CHAPTER 19: NEW CIRCLE

104 12 1
                                        

"Kain na."

Napatingin kaming dalawa ni Ascen kay Rune.

"Baba na tayo." Aya n'ya.

Agad naman kaming tumayong dalawa ni Ascen tsaka sumunod na kay Rune palabas ng room tsaka 'yon isinara.

Ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa dining room nila which is napaka gara rin since unang beses ko lang dito sa parte ng bahay nila na 'to. Kahit iniexpect ko na ganito talaga 'yung itsura e hindi mo parin maiiwasan 'yung mamangha sa sobrang ganda.

"Upo na, sorry konti lang nahanda namin ngayon."

Pinaglololoko n'ya ba kami. Eh pang tatlong pamilya na 'tong nakahain dito sa hapag kainan nila. Bahagya ko pamandin maubos 'yung isang serving lang.

"Sandukan kita Gwyn?"

"Nako kaya ko na, thanks." Tanggi ko kay Rune tsaka inumpisahan nang sumandok ng kanin at ulam.

Hindi 'to unang beses na makikikain ako sa ibang bahay, pero sobrang nakakahiya ngayon. Bukod sa napakagara ng bahay at mayaman 'yung may ari e hindi ko pa kaano ano sina Rune. Mas matanda rin sila sa aking dalawa.

"Ilang taon ka na pala Gwyn?"

Nag umpisa na kaming kumain pagkaalis nu'ng mga katulong na s'yang naghain ng mga pagkain kanina.

"Just turned 19 a month ago." Sagot ko.

"Ah same." He said.

Hindi naman ako umimik at patuloy lang sa pagkain.

"Same my ass, you're 22 idiot." Sabat ni Ascen.

"Sama talaga ng ugali neto, at least baby face ako. Naniwala nga agad si Gwyn na 19 lang ako e, diba?"

Nilunok ko 'yung nginunguya ko tsaka tumango kesa dumaldal nanaman s'ya. Pero tama rin naman s'ya sa part na 'yon, baka nga maniwala pa ako pag sinabi n'yang 16 lang s'ya. Bata kasi tignan dahil sa itsura n'ya.

"Just saying the truth." Kalmadong sabi ni Ascen.

"Truth mo mukha mo."

Para silang magkapatid na nagbabangayan kahit saan basta magkasama sila-oh, parang kami lang pala ni kuya kung tutuusin.

"Si Ascen hindi mo tatanungin kung ilang taon na Gwyn?" Tanong ni Rune.

Napatigil naman ako sa pagnguya tsaka binalingan ng tingin si Ascen na nasa kaliwa ko lang at tahimik na nakain.

"I'm 20."

Bigla kong nalunok 'yung kinakain ko. "Just 20? And you're already a 4th year?" Takang tanong ko.

"I'll turn 21 next week." Sagot n'ya.

"Pero ang bata mo pa." Pabulong kong sabi.

"Hindi na nag kinder 'yan, rekta grade 1, matalino e." Sabat ni Rune. "Kapapanganak palang sa kan'ya kaya n'ya nang irecite 'yung multiplication table."

Imbes na matawa ay pareho naming blangkong tinitigan si Rune.

"Wala lang tayo sa harap ng hapag kainan kanina ko pa nasuntok pagmumukha mo." Banta ni Ascen.

"Nagbibiro lang e." Bawi ni Rune.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain.

"But he's right, nag grade 1 ako agad." Sabi ni Ascen. "They said there's no need for me to take kindergarten because of my knowledge." He added.

"Kasi nga kabisado mo na agad 'yung multiplication table."

Akmang babatuhin s'ya ni Ascen ng tinidor nang bigla ko s'yang pigilan sa pamamagitan ng paghawak sa wrist n'ya.

Huli na ng mapagtanto ko 'yon.

"Sorry." Sabay naming sabi habang nakatingin sa isa't isa.

Agad ko namang tinanggal 'yung kamay ko na nakahawak sa palapulsuhan n'ya tsaka nag iwas ng tingin.

"Ay ay ay ano 'yan ha, kayo ha."

Naiilang akong nagpatuloy sa pagkain.

"May hindi ba ako alam ha?" Pang aasar ni Rune. "Bakit 'di kayo nasagot?" Nanglolokong tanong n'ya. "Hoy Ascen-"

Pinutol ko 'yung sasabihin n'ya sa biglang pag bato ko ng tinidor sa kan'ya.

"Sorry!" Tarantang sabi ko.

Naibaba ko 'yung hawak kong kutsara sa mesa tsaka napatakip sa buong mukha ko.

NAKAKAHIYA.

BAKIT KO GINAWA 'YON.

GAGO NA 'YAN.

Dahan dahan ko namang naibaba 'yung mga kamay ko tsaka hindi makapaniwalang binalingan ng tingin si Ascen na ngayo'y tumatawa na.

Mas bumilis 'yung tibok ng puso ko, dama ko na rin 'yung pag iinit ng buong mukha ko dahil sa kahihiyan kanina, at dahil sa nakikita ko ngayon.

Pareho silang natawa ni Rune. Pero hindi ko alam kung bakit iba 'yung epekto nung pagtawa ni Ascen sa akin. Siguro ay dahil ngayon ko lang s'yang nakitang ganito. Hindi ko pa s'ya nakitang ngumiti man lang, laging blank at cold 'yung expression n'ya. Ayon nga siguro.

"Pinigilan mo si Ascen na batuhin ako tapos ikaw naman gumawa." Tumatawang sabi ni Rune.

Bahgya akong napayuko sa kinakain ko. "Nang aasar ka e." Sabi ko.

Mas lalo s'yang napatawa.

Eto na 'yung sinasabi ko nu'ng nakaraan, hindi ko na namamalayan 'yung mga kinikilos ko kapag unti unti na akong nagiging komportale sa kanila. Pero sana dumating din 'yung time na masanay na ako at hindi mahiya.

"Ina ang sakit ng tiyan ko." Sabi ni Rune, natawa parin habang sapo sapo 'yung tiyan. "Kahit si Ascen na hindi tumatawa napatawa mo." Dagdag n'ya pa.

Hindi nalang ako umimik ulit at naiilang na itinuloy 'yung pagkain.

"Stop laughing and eat." Ascen said, calmly. bumalik na s'ya sa dati n'yang expression.

"Bakit mo ako pinapatigil e pati ikaw nga tumawa." Sabi ni Rune.

"Not as crazy as yours tho." Sabi lang ni Ascen. "So stop it before Gwyn throw another utensils at you."

Napalakas lang 'yung tawa ni Rune.

"Pupuruhan ka na sa akin sinasabi ko sayo." Banta ni Ascen. "Kita mong kumakain tayo ayaw mong huminto d'yan." Paninita n'ya pa.

"Eto na titigil na nga e." Pinakalma ni Rune 'yung sarili n'ya. "Pero ayos 'yon Gwyn."

Nagtaka ako. "Ang alin?"

"Pansin kong unti unti ka na nagiging komportale sa amin ni Ascen." Masayang sabi n'ya. "I'm glad about that."

Napayuko ulit ako sa kinakain ko. "Thanks."

Sa totoo lang ngayon lang ulit ako nag enjoy kasama 'yung iba. Bukod sa wala akong kaibigan ngayon, hindi ko rin naranasan 'yung ganito. Hindi ko rin inasahang unti unti na akong nagiging komportale sa paligid nila lalo't ang akala ko e puro takot lang mapapadama nila sa akin. Pero hindi.

"Ano palang schedule mo bukas Gwyn?" Ascen asked.

Nakain parin kami, hindi ko pa nga nakakalahati kasi mas nauna pa silang magbangayan at magtawanan.

Uminom ako ng tubig. "8-11 klase ko, three subs. 2 resume sa hapon, hanggang 3." Sagot ko. "Bakit?"

"I might ask you to come at Xanthe tomorrow." He answered.

"Bakit?" Tanong ko.

"I'll give you something. Pag off mo nalang ng hapon para hindi na kita maabala." .

"Okay."

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon