CHAPTER 6: LOSING HOPE

137 13 0
                                        

Maghapon akong lutang at hindi alam kung may pumasok bang lesson sa utak ko. Buti nalang hindi nagpa-activity mga profs namin ngayon kasi wala talaga akong napag aralan. Buong araw kong iniisip 'yung phone ko, kung nabuksan nga ba nila o hindi na. Pero malaki tiwala ko sa profs namin, hindi naman sila magiging licensed teachers kung wala silang malawak na kaalaman sa kinuha nilang majors e.

Sana nga lang nabuksan na. Hindi ko talaga kakayaning mawala 'yon lahat sa isang iglap lang at sa hindi ko pa alam na dahilan.

"Miss Gonzales daw po, pinapatawag ka ni sir Lenard sa faculty ng Computer Science." Sabi ng isang lalaking dumating.

Bale last subject na namin ngayon at malapit na ring mag 5.

"Oh sino si Miss Gonzales dito, punta ka raw sa faculty."

Hindi na ako nag abala pang sumagot at agad na tumayo at naglakad palabas ng room.

Sa Katunayan hindi na rin ako nag lunch. Wala talaga akong gana. Cellphone ko lang nasa utak ko, hindi na matanggal. Hindi ko na rin matantsa kung gaano na kalala 'yung kabang nasa dibdib ko ngayon. Kanina pa ako nanginginig, hindi ko alam kung gawa ng puyat o dahil sa cellphone ko 'to.

Wala talaga akong ibang hangad ngayon kung hindi mabuksan 'yon.

Pagkarating ko sa tapat ng faculty ay nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago binuksan 'yung pinto.

"Good afternoon po." Bati ko.

"Pasok ka." Tumuloy lang ako. "Pasensya na Miss Gonzales, hindi namin nabuksan 'yung phone mo. I even asked for other profs' help pero mukhang nashut down talaga nu'ng hacker 'yung phone mo. Maybe you can try asking for some more professional help." Prof said.

"Tama si sir Lenard iha, lapit ka sa mga mas professionals." Dagdag pa nu'ng isang prof na nandito.

"Parang hindi ka natulog dahil dito, maybe you should go home and get some rest baka mapano ka." Tumayo si sir at inayos 'yung gamit ka. "Get your phone now, it's inside my cabinet, on the top. Una na ako, and don't worry too much, mababawi mo rin accounts mo, una na ako sir." Paalam n'ya sa nag iisang prof na nandito bago umalis.

Hindi naman ako makakilos sa kinatatayuan ko at bahagya nang maigalaw 'yung mga kamay ko sa sobrang panghihina.

"Una na rin ako." Sabi nu'ng isa pang prof tsaka dinala 'yung bag n'ya. "Ascen, lock the door before leaving, I'll go." Bilin n'ya sa isang lalaking nandito bago umalis ng faculty.

(Ascen
~pronounced as Asen)

Dalawa nalang kaming natira. Pansin ko ring marahan s'yang nakikinig kanina sa amin ni prof. Bago pa kasi ako dumating dito ay na nadatnan ko na s'yang nasa harap ng computer na sa tingin ko'y adviser din n'ya.

Nu'ng una akala ko prof din s'ya pero nung makita ko 'yung laki ng suot n'yang i.d e nalaman kong estudyante rin. At baka mas mataas 'yung year level kaysa sa akin.

"You have been standing there for quite a while. Grab your cellphone and go home now. The nurse has already left the clinic, and the hospital is far from here. I don't know where to take you in case you faint because of your appearance," He said, still busy typing on the computer keyboard.

Parang natauhan naman ako at agad na kumilos para buksan 'yung kabinet. Nang makita ko 'yung phone ko ay agad ko 'tong kinuha at lumabas na.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon na hindi ko na talaga mabuksan 'yung phone ko. Hindi problema sa akin 'yung pag uumpisa ulit. Hindi ko problema 'yung pagbili ng bagong phone. Problema ko ay 'yung what if, masangkot ako sa krimeng wala akong kinalaman, paano kung gamitin 'yung accounts and names ko? Mas lalo akong kinakabahan kasi may kinalaman 'yung dark web do'n.

Iniisip ko rin na baka ginagamit na 'yung pangalan ko sa pagbibenta ng mga illegal na droga, pati na rin pagbili sa mga 'yon. O hindi naman kaya magamit 'yung pangalan ko sa pag spread ng false informations at pag upload ng kung ano ano.

Nakakapanghina.

Walang gana akong naglalakad sa gilid ng highway pauwi sa bahay. Kaunti nalang din 'yung mga naglalakad pauwi ngayon kasi magkakaiba kami ng schedule at sobrang hapon na talaga. Mag gagabi na pala.

Habang tahimik at pagod na naglalakad ay may mabilis na dumaang motor sa gilid ko. Nagulat pa ako dahil sa biglang pag busina nito.

Agad naman akong napagilid nang mapagtanto kong malapit na pala ako sa highway at anytime pweding masagasahan.

Sobrang lutang ko na talaga. Hindi ko na alam kung anong mga nangyayari.

Pagod na ako.

Ilan pang minuto ay nakarating na ako sa bahay. Hindi na ako nag abala pang ipaalam na nakarating na ako at nagtuloy tuloy sa pag akyat ng hagdan papasok sa silid ko.

Pagod kong ibinaba 'yung bag ko tsaka hinubad 'yung suot kong sapatos.

Gusto ko nang mahiga.

Bago pa akong makapagpasyang humilata sa kama ay naupo muna ako sa harap ng pc ko at binuksan ito.

Gamit ang kagagawa lang na Facebook account na may japanese characters na name ay naghanap ako ng Facebook groups ng mga hackers. Or those who's professional in hacking.

And after a couple of minutes, nag post ako sa isang fb group na nasalihan ko.

グウィ ネス - Anonymous Professional Hackers

Hi, I'm new here and I would like to ask some of you to help me retrieve my accounts because my phone is hacked and I can't open it. I will pay you your desired amount of money if you can help me. Thanks.

Posted 6:15 pm

Pagkatapos kong ma-post 'yon ay agad kong ibinagsak sa kama 'yung katawan ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa pagkakahiga ko.

Pero hindi ko alam kung gagana ba 'yung ginawa ko, o kung may makakatulong ba sa akin para mabuksan ko na ng tuluyan 'yung phone ko. At kung hindi pa talaga gumana, o kung wala pa talagang makakatulong sa akin, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon