Dapat pala hindi puting rubber shoes dinala ko. Hindi naman maputik pero maalikabok 'yung lupa. Nasisira rin kasi ang sapatos pagka nilalabhan palagi.
"Good luck."
Napatingin ako sa nagsalita. Nandito parin kami sa campsite.
"Same sayo."
Nginitian n'ya ako. Zion. S'ya 'yung pinaka active sa klase namin. Nerdy.
"GO!"
Pagkasabi no'n ng isa sa mga prof ay nag umpisa nang tumakbo papasok 'yung iba. Samantalang ako ay marahan lang na naglakad.
Sana hindi mawala 'yung laptop.
OO. BWISET. Kanina ko pa iniisip 'yon at ayaw matanggal sa utak ko. Pagsusuntok suntukin ko talaga sarili ko kapag hindi ko 'yon do'n makita mamaya pagkabalik ko. Kahit sabihin na rin nating okay lang kay Ascen kasi kaya n'ya namang palitan. PERO AYOKO. Pag 'yon talaga nawala, hindi ko nalang alam.
Huminto ako sa paglalakad at sumandal muna ako sa puno. Ayokong manalo kung sakali. Baka sa akin nanaman mapunta atensyon nila pag tapos. Bahala na sila mag unahan d'yan—
Ano 'yun?
Agad din akong umalis sa pagkakasandal at nilapitan 'yung isang puno. May itim na bagay kasing nakalagay sa paahan nito—oh.
Box.
Gara ah, wala pa akong ginagawa nakakita na agad ako.
Umupo ako tsaka sumandal sa puno na 'yon. Inangat ko rin 'yung box para mabasa 'yung nasa tablet like device na may wires na konektado sa lock ng box.
Looks like a riddle.
"I am a language that uses a combination of ones and zeros to represent information and instructions. I am the foundation of modern computing. What am I?" Pabulong kong basa.
Kahit junior student kaya atang sagutin 'to e.
I typed the word 'Binary Code'. And it opened.
(GREAT JOB!)
Biglang nagpakita sa screen tsaka biglang nabuksan 'yung lock.
Tuluyan ko namang inangat 'yung cover. Tsaka kinuha 'yung laman no'n.
A heart charm.
Agad ko 'yong sinilid sa messenger bag na dala ko tsaka iniwan 'yung box sa kung saan ko nakita.
Nabanggit din kasi ng prof na naka monitor sila sa mga location ng boxes at mag nonotif sa kanila kapag nabuksan na. At pag nabuksan na e kukunin na nila mismo rito sa gubat 'yung box para hindi na makita pa ng iba.
Patuloy lang ako sa paglalakad. May nadadaanan din akong mga ibang estudyante pero hindi ko pinapansin at nililikuan ko. Baka bigla akong kausapin e.
Napatingin din ako sa relo ko. Nice 11 am na pala. Bilis ng oras pag hindi pinapansin e.
Ayos din 'tong mga puno, matataas at magandang akyatin. May mga nagliluparan ding ibon at mga nests sa sanga. Hindi rin ganon katataas 'yung mga damo pero kapag naka tsinelas o shorts ka lang e mangangati ka pag alis mo rito. Buti nalang naka suot ako ng trouser at naka rubber shoes. Isa sa mga advantages ng pagiging papansin.
Naagaw naman ng pansin ko 'yung isa pang box. Pero nasa mababang sanga ng puno ito nakalagay.
"Engot naman ng naglagay neto rito. Pag 'to hinangin at nalaglag, mababasag 'yung screen e." Sabi ko sa sarili ko.
Kahit mababa kasi e mabato naman 'yung pagbabagsakan.
Kinuha ko naman do'n 'yon tsaka binasa. Nice riddle ulit.
"I am a data structure that stores elements in a specific order. I can be traversed from one end to the other. You can push and pop elements on me. What am I?" Pabulong kong basa.
Tinype ko 'yung word na 'stack' at agad ding bumukas. This time, star charm naman 'yung nakuha ko.
I already got two.
Napapawonder ako kung ilan na naipon ng mga iba lalo 'yung mga kala mo nakalabas ng preso kasi tumatakbo takbo bigla. Biro lang.
Kung gano'n lahat kadali 'yung mga puzzles e talagang makakaipon ka agad. O baka talagang minamalas lang ako at pinapanalo ng tadhana para maulit nanaman 'yung nangyari kagabi.
Sana naman hindi.
Patuloy lang ako sa paglalakad sa pagkalawak lawak na gubat. Pano kaya kami babalik sa campsite e wala namang sinabi 'yung prof na dapat gawin. Mukhang kasama sa activity 'yung patalasan ng memorya. O baka naman iniligaw na talaga kami ng mga prof namin at bumalik na sila sa city.
Napahinto ako sa paglalakad at tsaka kinatok katok 'yung ulo ko. Tama na kakaisip ng kung ano ano. Konti nalang mababaliw na ako e.
Tsaka 'yung laptop kasi ni Ascen, kahit may maiwan do'n e hindi parin ako panatag. Kahit sino nagagawang gumawa ng krimen, kahit 'yung pinakamabait pa. Tsaka buti sana kung kasama si sir Xen sa mga naiwan do'n, okay lang. Pero hindi e.
Pinagpatuloy ko lang 'yung paglalakad hanggang sa may makita ulit akong box. S'yempre, nilapitan ko ulit 'yon tsaka inangat para mabasa kung ano 'yung puzzle na nakalagay. Ayokong manalo pero basta may makita ako pinupulot ko nalang bigla.
"I am a security measure that verifies the identity of a user by requesting something they know, something they have, or something they are. What am I?"
Bakit puro ganito? O puro ganito talaga 'yung puzzles.
Napakadali naman ata lahat e. Kaya lang 'to aabutin ng hapon kasi sa paghahanap, pero sa pag solve ng mga locks e madali lang.
Nabuksan ko naman 'yung box sa sagot na Multi-Factor Authentication at agad na kinuha 'yung laman which is an angel wing charm.
I already got three.
Baka marami na ring naipon 'yung iba since mabibilis silang kumilos at gusto talagang manalo. Hindi nabanggit na sa amin na 'tong mga nakuha naming charms pero hindi ko parin ibibigay sa kanila kung sakaling hindi nga namin dapat angkinin. Pinaghirapan ko kaya 'to.
Napatingin ako sa relo ko at pasado alas dose na. Kaya nama'y naghanap ako ng lugar dito sa gubat kung saan komportaleng uupo.
At nang makahanap ako ay agad akong umupo pasandal sa puno. At nilabas 'yung lunchbox ko na may laman na kanin at pritong ulam.
Uubusin ko na rin 'to agad para hindi na mabigat 'yung dala dala ko. Nakakabanas din kasi e.
Inumpisahan ko nang kumain. And for some reasons, napaka weird sa pakiramdam kasi mag isa ko lang dito tapos sa gitna pa ng gubat.
Paano kaya kung may mga ligaw na kaluluwa rito tapos pinapanood akong kumain?
Nakakahiya 'yon. HAHAHA.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
