Sinusubukan kong tumakbo pero hindi kaya ng katawan ko. Kaya kapag may nakikita akong pweding pagtaguan ay nagtatago ako. Ilang oras na rin 'yung nakakalipas, hapon na at dama na 'yung ginaw ng paligid. Ang dami naring nawasak dito sa loob ng uni, lalo sa mga buildings. Hindi ko alam kung hanggang kailan aabutin neto hanggang sa matapos namin, o baka kami mismo ang matapos. Pagod na ako.
Nasa likuran ako ng hindi ko alam kung anong building at paupong nakasandal sa pader. Hinihingal na rin ako, hindi dahil sa pagod. Damang dama ko kasi 'yung mga sugat ko sa katawan, tsaka sa hindi ko alam na dahilan e naninikip 'yung dibdib ko. Baka gawa 'to nung naging impact ng pagbagsak ko kanina sa sumabog na bomba.
"You sure hindi mo na need puntahan d'yan Gwyn?" Ascen asked.
"Yep I'm, okay." I answered. "Tingin n'yo ilang boxes nalang natitira ro'n?" Pag iiba ko ng topic.
"Wala kaming ideya kung ilan nalang." Sagot ni Rune.
"Gusto kong magpakita pero mas inaalala ko lagay ni Gwyn ngayon." Sabi naman ni Ascen.
"Look Ascen, I'm okay. Pero mas gusto kong d'yan ka nalang at wag magpakita sa kanila." Sabi ko.
"Hindi 'to matatapos Gwyn kapag hindi tayo 'yung kumilos. Mas maraming mamamatay." Sabi n'ya.
Nilabas ko 'yung phone ko tsaka inoff 'yung communication kay Rune para si Ascen lang 'yung makarinig.
"Kaya kong makitang mamatay 'yung iba, pero 'yung ikaw hindi. Hindi ko kakayanin kapag pati ikaw nawala." Naipikit ko na 'yung mga mata ko habang sapo sapo 'yung dibdib ko. Ang sikip.
Hindi s'ya agad kumibo.
"I'll off our communication for a while Rune." Ascen said.
"Sure." Rune said.
Pinapakiramdaman ko 'yung paligid. Sobrang ginaw na. Mas nakakadagdag sa panghihina ko. Napakatahimik din dito, kaya mas madaling magulat kapag may bombang sumabog. Ang sakit ng katawan ko.
"Hindi ko rin kakayanin kapag naiwan kita Gwyn."
Bumilis 'yung tibok ng puso ko. Mababakas ko sa boses n'ya 'yung pag aalala. Hindi ganito 'yung usual na tono ng pananalita n'ya. Ngayon malalaman mo na agad na nadadala na s'ya ng emosyon n'ya.
"Kahit gaano kahirap 'to mananatili akong buhay, makasama ka lang."
Gusto kong maluha.
"Kaya wag mong isipin na basta basta ko nalang ilalagay sa panganib buhay ko. Look Gwyn, gusto ko nang matapos 'to, gusto ko nang umayos na ulit 'yung paligid at walang ibang iniisip kung hindi ikaw lang, ikaw na ligtas."
Hindi ko na napigilan 'yung pagbagsak ng mga luha ko. Ang babaw ko na. Hindi naman ako ganito dati, nakakapagtaka na ang bilis ko nalang bigla maapektuhan sa mga sinasabi ni Ascen. Hindi ko maintindihan kung bakit ang hirap isipin 'yung ganitong sitwasyon na malayo ako sa kan'ya. Sobrang natatakot na talaga ako. At gusto kong malaman kung anong gustong ipahiwatig ng nararamdaman ko.
"Hey don't cry, my heart's aching." He said. "Hindi ko alam bakit ko nararanasan 'tong mga 'to. Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong mag alala pagdating sayo knowing na wala naman akong pake sa iba. Akala ko normal lang lahat ng mga nararamdaman ko." Marahan lang akong nakikinig. "Dati 'yon."
Pinahid ko 'yung mga luha ko.
"Pero ngayon alam ko na kung bakit." Sabi n'ya. "Gwyn—"
"Gwyn."
Agad kong naimulat 'yung mga mata ko tsaka napatingin sa biglang tumawag ng pangalan ko.
"Lucy." Banggit ko sa pangalan n'ya.
Mapait n'ya akong nginitian tsaka naglakad palapit sa akin at naupo sa tabi ko.
"Okay ka lang?" Tanong n'ya. "Mukhang umiiyak ka, tsaka ang dami mo ring sugat." Pansin n'ya.
Pinahid ko naman 'yung mga mata ko. "I'm okay." Sagot ko.
Tumingin s'ya sa malayo. "Hindi ko iniexpect lahat ng nangyayari." Sabi n'ya. "Hindi ko alam na gano'n pala 'yung adviser natin." Dagdag n'ya.
Well kahit ako. Akala ko talaga nu'ng una napaka bait n'yang prof. Lalo sa pananalita at sa palagi n'yang pag ngiti. Pero nawala lahat ng akala kong 'yon nu'ng nangyari 'yung unang crime dito sa university. Hindi ko rin inaasahang sa lahat ng mga nangyaring crimes na sumunod do'n e s'ya may pakana lahat at naka plan pala.
"Hindi ko rin alam kung anong nangyari at bakit kayong tatlo ng mga kasama mo 'yung puntirya n'ya." Sabi n'ya tsaka tumingin sa akin.
"Hindi ko rin alam." Sabi ko naman.
Wala rin akong time para ikwento sa kan'ya lahat. I mean timatamad ako. Tsaka ayokong kausap s'ya, simula pa no'n. Ang uncomfortable din at hindi ko alam kung bakit.
"Baka trip lang talaga kayo ni sir." Sabi n'ya habang awkward na tumatawa. "Ano palang ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nagtatago ka sa mas tagong lugar?" Sunod sunod n'yang tanong.
"Nagpapahinga." Sagot ko. "Eh ikaw? Anong ginagawa mo rito? Naghahanap ka rin ba ng mapagtataguan?" Tanong ko pabalik.
Tumayo s'ya tsaka pinagpag 'yung suot n'yang pants. "Hindi." Sagot n'ya. "Group 1 ako."
"Damn it." Rinig kong bulong na mura ni Ascen.
"Pasensya ka na Gwyn, need mong sumama sa akin. This time sarili ko naman iisipin ko."
T*ngina? At kelan mo pa ako inisip? Ni hindi nga kita close. Kilala lang kita. Kung tutuusin mas close ko pa si Kian na lalake kesa sa kan'ya. Kaya masama kutob ko sa kan'ya e, alam ko na no'n na in the future magiging bahagi s'ya ng memories ko.
"Tayo ka na d'yan." Sabi n'ya. "Wala akong pakealam kung may mga sugat ka, basta tumayo ka na." Nag iba na rin 'yung mood at tono ng pananalita n'ya.
Dahan dahan akong tumayo. Ang sakit nakakasura na.
"Buti naman. Sunod ka na." Malamig n'yang sabi.
Nag umpisa s'yang maglakad at sumunod lang ako. Siguro kung may sapat lang ako na lakas ngayon e baka pinatulog ko na s'ya. Mas gugustuhin ko nalang na manakit kesa sa ilagay sa panganib 'yung buhay ko. Pero hindi ko magawa. Nanghihina na talaga ako at baka kapag sinipa ako ng isang beses e matumba na ako.
Pero hindi 'to dapat 'yung iniisip ko ngayon.
Delikado na buhay ko. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin do'n, pero sana, maging okay din ang lahat.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Misteri / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
