"If you click this link," Pinindot n'ya 'yung link na nasa text document. Pero unknown source lang 'yung lumabas sa tab. "Walang lalabas."
Natural nabura na nga 'yung account e.
"But as long as we have this link, we can track the location of the user using his own device." Rune said.
Tahimik lang ako na nanonood kay Rune. Pareho lang sila ni Ascen na mabilis mag type.
"Aight, time to dig deep into this mystery. Let's start by accessing the deleted Facebook account." Rune said, typing fastly.
Ninavigate n'ya 'yung iba't ibang secure na mga channel at habang ginagamit ang kan'yang kasanayan para lampasan 'yung mga security measure.
At matapos ang ilang minuto ng matinding pagha-hack, nakakuha siya ng access sa backend data ng deleted account.
"Napasok ko na."
Hindi ako makapaniwala dahil nagawa ni Rune na pasukin 'yung nabura nang account.
Sinimulan n'yang hanapin 'yung mga previous activities ng account, at kung ano ano pang naiwan nito.
Hindi ko naman maiwasang panlakihan ng mga mata habang natutuklasan niya 'yung iba pang shared messages sa iba't ibang account na anonymous din. Kasama na rito 'yung group chat ng section nila na pinagkalatan ng killer nu'ng nude pics ni Philip.
"Imteresting." Mahinang sabi ni Rune pero sapat na para marinig ko. "Parang hindi na bago 'tong account na 'to at ginagamit n'ya na dati pa sa panggagago." Sabi pa ni Rune.
"'Yan 'yung posts!" Turo ko sa nakita ko.
"Yep, can you take a picture of it Gwyn?"
Agad ko namang kinuha 'yung phone ko tsaka binuksan 'yon. Tapos kinuhanan ng litrato 'yung post. "Done."
"Thanks." Rune said.
Rune delves deeper into the account's metadata, utilizing advanced techniques to trace the user's digital footprint. Pansin ko ring tinitrace n'ya na 'yung ip address ng account at kung ano anong koneksyon pa no'n para mas malaman kung sino talaga 'yung may ari nito.
"Aight, the IP address leads to a VPN service. Sinusubukan n'yang itago 'yung mga traces n'ya pero unlucky him, I'm smarter than anyone." Rune arrogantly said.
Undeterred, Rune employs his expertise in network forensics and starts analyzing the data packets associated with the user's activity.
Namamangha na talaga ako sa kanila ni Ascen. Hindi ko talaga alam na may mga tulad talaga nila na sobrang galing sa pag hack. Kung gugustuhin nilang i-hack 'yung account ng kung sino e kayang kaya nilang gawing dalawa.
"Kuha ko na." biglang sabi ni Rune. "It's a unique signature in the data packets. Let's cross-reference it with our extensive database." He added.
Rune initiates a cross-referencing algorithm, and familiar parin ako sa ganitong techniques, hindi ko lang alam paano iapply.
Then he started matching the unique signature against a vast collection of known devices and configurations.
"Nice." Napangisi s'ya. "We've got a match. Vivo y11 brand nu'ng phone? Gara a." Sabi n'ya.
Rune proceeds to narrow down the search, examining geographical data and timestamps associated with the user's activity.
"Ngayon need ko lang ipinpoint 'yung approximate location gamit 'yung triangulation techniques."
Pinapanood ko lang s'ya sa mabilis na pagtipa sa keyboard.
Then he inputs the necessary parameters and runs a sophisticated algorithm that analyzes signal strength, tower locations, and other factors.
Tsaka ako mas namangha nu'ng biglang nagpakita sa screen 'yung map ng lugar namin tapos may red dot na nakalagay sa isang apartment?
"That looks like the apartment just a few meters away from the school." I said.
"Yes, possible na mag isa lang 'yung killer na nagi stay ro'n." Sang ayon ni Rune.
"Pero paano natin malalaman kung sino 'yung may ari n'yan? Paano natin s'ya icoconfront?" Takang tanong ko.
"I'll copy his location, and put track his divice. At basta dala dala n'ya 'yung phone n'ya e pwede na natin s'yang hulinin kahit kailan." Sabi ni Rune.
Hinarap n'ya ako. "We need to rest now Gwyn, ilalabas na natin si Ascen bukas." Nakangiting sabi n'ya.
Napangiti rin ako dahil do'n.
Madaling araw na rin at pareho na kaming inaantok. Pero mas nangingibabaw 'yung pagkasabik kong dumating 'yung bukas. Tsaka gusto ko na ring makita si Ascen.
"You're going to sleep inside the room besides my room."
Kakalabas lang namin sa ikatlong silid at naglalakad ngayon pabalik sa direksyon ng silid n'ya.
"And oh, 'yung banyo e nasa pinaka dulo, may mga hindi gamit na toothbrush sa cabinet sa taas ng salamin do'n, you can get one." Rune said. "D'yan ka matutulog, bukas 'yan. And don't worry, walang may ari sa kwarto na 'yan." Turo n'ya sa silid na nasa tabi lang ng kwarto n'ya.
Tumango ako. "Thanks Rune." Sabi ko.
"No, thanks Gwyn, dahil sayo mapapadali 'yung pagpapalaya natin kay Ascen." Nakangiting sabi n'ya. "You should rest now, maaga pa tayo bukas. Mauuna na ako."
"Sige, good night." Sabi ko naman.
"Good night din."
Pagkasabi n'ya no'n ay pumasok na s'ya sa loob.
Dumiretso naman muna ako sa pinakadulong pinto tsaka pinasok 'yon. Lawak ng banyo. Agad naglakad palapit sa salamin tsaka binuksan 'yung cabinet sa taas no'n tsaka kumuha ng isang toothbrush.
Ilang araw na ako rito pero palagi parin akong nabibilib sa kung gaano sila kayaman. Kasi pati ba naman toothbrush na hindi pa gamit ang dami nilang stock? Araw araw ba s'yang nagpapalit?
Kesa mabaliw kakaisip ay tinapos ko nalang lahat ng kailangan kong gawin sa loob ng banyo tsaka lumabas na.
Tinungo ko lang 'yung silid na nasa tabi ng silid ni Rune. Pinasok ko 'yon tsaka rin ini-lock.
Sobrang linis at plain tignan dito sa loob. Walang masyadong gamit kasi nga siguro ay walang gumagamit.
Nahiga ako sa malambot na kama. Tsaka inabot 'yung remote ng aircon na nasa ibabaw lang ng cabinet. Hindi naman siguro masama kung makikigamit din ako nito. Binuksan ko na 'yung aircon tsaka ako komportaleng dinama 'yung malambot na kama.
Bukas na.
Just wait Ascen, just wait. Mailalabas ka na namin bukas d'yan. Mapapatunayan na rin naming inosenta ka at walang kinalaman sa crime. Makakasama ka na namin ulit. At higit sa lahat,
Makikita na ulit kita.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
