Ang iniexpect ko nu'ng lunch kanina e sasabayan ako nu'ng si Lucy. Pero nagkamali ako ng hula. Baka naboring din agad sa akin 'yon kasi hindi ako nagpakita ng interes sa kan'ya. Hindi naman ako nagsisisi kasi baka mapikon lang ako sa kadaldalan n'ya pero ayokong ipagsabi n'ya sa iba na gano'n ako makipag usap sa iba. Nakakahiya 'yon.
Bale uwian na ngayon, 3:10 na at naglalakad na ako palabas ng school. Wala nga 'yung prof namin sa last subject pero may iniwan na activity at hindi kami agad pinalabas ng captain namin.
Kinuha ko 'yung phone ko sa bulsa ng pants ko tsaka binuksan at agad na pumunta sa facebook.
Nag umpisa na akong mag scroll sa Facebook habang naglalakad. Puro memes lang 'yung mga nakikita ko sa newsfeed ko, madalas may kinalaman sa history ng 1st world countries na medyo salungat sa community standards ng Facebook. 'Yung iba naman ay puro anime. Either memes din or updates. Gano'n din sa mga videos na dumadaan sa feed ko na agad kong shinishare.
Sa pamamagitan din ng Facebook ay mas nae-express ko 'yung sarili ko pero sa ibang mga tao lang. Hindi kasi ako masyadong naga-accept ng mga kaklase ko sa Facebook, kasi mas mataas 'yung possibility na i-judge nila ako at iniiwasan ko 'yon.
Marami na rin akong na-meet sa fb, karamihan nabaon ko na sa limot, 'yung iba naman ay nakakausap ko parin ngayon, at 'yung iba naman ay sa notifications ko lang nakikita na nagre-react sa mga posts ko.
Ilang minuto pa ng paglalakad ay nakarating na ako sa bahay. At sa tantsa ko ay nasa higit limang posts 'yung nai-share ko sa Facebook bago ko pinatay phone ko.
"Andito na po ako." Sabi ko bago dumiretso sa taas tungo sa kwarto ko.
Agad akong nagbihis tsaka naupo sa harap ng desktop ko at binuksan 'yung aircon gamit 'yung remote nito. Binuksan ko na rin 'yung desktop tsaka inintay itong mag run. Makailang refresh pa ay clinick ko na 'yung icon ng LifeAfter para maglaro.
Isa lang 'to sa mga nilalaro kong Massively Multiplayer Online Role-playing Games. Sikat 'to kasi napakaganda ng 3d graphics, sobrang lag nga lang ng mga server hindi lang gawa ng graphics kung hindi pati na rin sa bilang ng mga naglalaro nito mula sa iba't ibang parte ng mundo. Tsaka dito rin ako madalas napapagastos. Lahat ng ipon ko sa mga nilalaro kong role playing games napupunta. Minsan nagsisisi ako lalo pag gipit na ako pero at the same time dito lang din ako nasaya bukod sa pagi-scroll sa facebook at pagko-code.
"Gwyn kain na."
Gulat akong napatanggal ng headphone tsaka tumingin sa nagbukas ng pinto.
"Matuto ka namang kumatok." Sabi ko.
"Kanina pa ako kumakatok, hindi ka nasagot. Puro ka kasi laro e." Sabi n'ya tsaka umalis na rin.
Hindi na ako sumagot pa tsaka hininto muna 'yung game at inilagay sa sleep mode.
Tumayo na ako tsaka nag inat. Ang sakit ng likod ko. Napatingin ako sa orasan. Gago pasado 7 pm na? Parang kakaumpisa ko palang maglaro kanina.
Kahit hindi na bago para sa akin 'yung ganito e nagtataka parin ako. Isang problema rin 'to sa paglalaro, hindi na namamalayan 'yung pagtakbo ng oras, alas kwatro lang kanina nu'ng nag umpisa ako, ngayon gabi na.
"Pagkatapos mong kumain Gwyn wag ka nang maglalaro ng computer ha, mahiga ka na." Bungad ni papa pagkaupo ko.
Tumango lang ako. "Pero paano pag may assignment ako pa?" Tanong ko.
"Kung mero'n nga dapat kanina mo pa ginawa. 4 ka raw dumating sabi ng mama mo at kinatok ka pa bandang alas singko para alukan ng miryenda pero walang sumasagot. Akala tulog ka, 'yun pala naglalaro." Panenermon ni papa.
Hehe. I think sobrang lakas nu'ng sound ng music ko kanina, pinagsasabay ko kasi sa sound ng game e.
"Hayaan mo na Ivan." Sabi ni mama habang kami ay kumakain. "Basta Gwyn, magpahinga ka muna pagdating mo hindi 'yung nasa tapat ka agad ng computer mo. Buti sana kung nag aaral ang ginagawa mo e kahit magdamag ka d'yan." Sermon din ni mama.
"Opo, sorry." Sabi ko lang.
Actually hindi ito 'yung unang beses na narinig ko 'to sa kanila. Halos gabi gabi nila akong sinasabihan pag nadadatnan nila akong nasa tapat ng desktop ko at naglalaro hindi nag aaral. Nasanay na lang din ako pero sila hindi pa nasasanay sa akin. Ang laki laki ko na raw para sabihan which is true. Haha.
"Tigas kasi ng ulo netong si Gwyn e ilang beses na ngang sinasabihan." Sabat ni kuya.
Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Kala mo ang bait bait e." Sabi ko naman.
"Oh mag uumpisa nanaman kayong dalawa, kumain na nga lang kayo."
Hindi na nakasagot pa si kuya dahil sa ginawang paninita ni mama.
Bale dalawa lang kami ni kuyang magkapatid. S'ya 'yung panganay at ako 'yung bunso. Actually gusto ko pang magkaro'n ng kapatid kasi nakakasawa si kuya pero may katandaan na rin kasi parents namin. 4th year college na si kuya at Industrial Design 'yung kinukuha n'ya sa fine arts. Sabi nila baliktad kami ng kinuhang course, dapat daw s'ya 'yung kumukuha ng computer science at ako sa fine arts. Pero wala naman akong alam do'n at wala rin s'yang alam sa computer science. Tatanga tanga nga s'ya pag naglalaro sa computer e.
Pagkatapos kong kumain ay agad din akong bumalik sa silid ko tsaka tumungo sa banyo at nag sipilyo tsaka naghugas na ng katawan. Pagkatapos ay nahiga na ako sa kama.
Binuksan ko 'yung phone ko at nag connect sa wifi namin. Tapos nag umpisa ulit na mag scroll sa Facebook.
Kahit paulit ulit na minsan 'yung mga nakikita ko ay hindi parin ako nagsasawa. Minsan nga wala na rin akong pake kung naipost ko na ba 'yung gan'to gan'yan, mahalaga matuwa rin 'yung ibang makakakita no'n.
Patuloy lang ako sa pagi-scroll, at maya't maya ay biglang may nag notif. Kumunot naman 'yung noo ko kasi naka-on naman 'yung do not disturb ng phone ko para walang ma-receive na notifications.
Ano 'to?

BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / ThrillerThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...