CHAPTER 52: ANNOUNCEMENT

49 10 0
                                    

Monday, 06/26/23
7 am

"Kumusta 'yung birthday ni Ascen?" Tanong ni kuya.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa school. Tsaka gabi na kasi kahapon nakauwi si kuya kaya hindi na kami nakapag usap pa. Masyado na rin s'yang busy at pati weekends n'ya occupied na rin.

"Ayos naman, first time ko makadalo sa celebration ng mga mayayaman." Sagot ko.

Napatawa si kuya ng marahan. "Halata namang mayaman 'yon. Kahit simple manamit." Sang ayon ni kuya.

Tunay. Kasi pag gano'n talaga itsura iisipin mo talaga agad na may kaya. Sa case ni Ascen at Rune, kahit hindi mo na itanong malalaman mo na agad.

"Isang linggo akong hindi makakauwi."

Kinunutan ko ng noo si kuya. "Grabe naman 'yang isang linggo." Sabi ko.

"Bakit mamimiss mo ako?" Natatawang tanong n'ya.

"Mukha mo." Sabi ko naman. "Pero nagpaalam ka na ba kay mama?"

Kaya pala laki laki ng bag e.

"Oo, inaway nga muna ako bago payagan e. Tsaka ang dami ko na rin kasi talagang kailangang asikasuhin bago ako grumaduate." Sagot ni kuya.

Hirap nga talaga pag 4th year ka na. Hindi mawawala sa utak mo 'yung excitement na makakapagtapos ka na pero mahihirapan ka naman muna bago makamit 'yon.

"Marami naman akong kasama kaya safe ako ro'n. Tsaka may mga profs din naman kako." Dagdag n'ya.

"Wala 'kong pake kuya." Hinampas n'ya ako. "Susumbong kita kay papa."

"Tsaka ka magsumbong kapag tumalsik ka." Pang aasar n'ya naman.

Kesa mapikon nang mapikon sa kan'ya ay binilisan ko nalang 'yung paglalakad hanggang sa marating na namin pareho 'yung school. Tsaka ko rin tinahak 'yung daan papunta sa school building namin paakyat sa ikaapat na palapag tungo sa classroom.

Nagtaka naman ako kung bakit nasa loob na lahat ng mga kaklase ko at tahimik na naka upo e mag aalas otso palang ng umaga. Tsaka may teacher na sa harap. Pero hindi 'yung prof namin sa first subject. Si sir Lenard.

"Sit down ms. Gonzales."

Hindi ko naman s'ya inimikan at dumiretso sa upuan ko. Pati mga laging nahuhuli sa klase nandito na sa loob. Baka naman may message s'ya sa gc namin na hindi ko na nabasa—wala nga pala ako sa mga gc namin kasi nawala 'yung account ko. Hindi na ako updated sa mga nangyayari. Ayoko namang magpa add, hihintayin ko nalang na mabawi 'yung nilalaman ng phone ko. Hindi naman siguro aabot ng bakasyon 'yon.

"So now that we're complete, I'm going to make an announcement." Sir Lenard said.

Marahan lang na nakikinig ang lahat sa kan'ya.

"I will give you a paper that's needing consent from your parents and give it to them so that they can sign it."

Napakunot 'yung noo ko.

"Consent for what?" Tanong ko kay Kian.

He shrugged. "Hindi ko rin alam, wala pa naman s'yang sinasabi." Sagot n'ya.

Ba't kasi inuna 'yung consent ng parents kesa sa announcement.

"We'll going to have an out of school camping for our activities."

Ooh.

Sumigla naman 'yung iba at nagbulungan.

What kind of activities tho.

"Wag kayong mag celebrate agad guys." Sabi ni sir Lenard. "Since busy ang mga 3rd and 4th years sa computer science ay 1st and 2nd years lang ang sasama sa out of school camp." Sabi n'ya.

Napatanaw naman ako sa bintana dahil do'n. Boring. Wala naman akong kaclose rito sa mga kaklase ko, kakilala lang mero'n ako e.

"Another but." Sir Lenard said. "3 students per section lang kasi masyado kayong marami."

Kumunot 'yung noo ko. Tapos magpapapirma agad ng consent ang nais.

Napalitan ng pagkadismaya 'yung mga reaksyon nila rito sa loob.

"To be fair, pakilagay sa 1/4 'yung names n'yo and fold it tsaka ilagay dito sa box." Sabi ni sir. "Bubunot ako."

Agad naman kaming kumilos lahat. Humingi nalang din ako sa katabi ko since wala naman akong 1/4. Student things. Tsaka hinanap 'yung ballpen ko sa bag ko.

Great. Nawawala. 'Yon na nga lang laman ng bag ko mawawala pa.

"Pahiram ako ng ballpen mo pag tapos mo d'yan Kian." Sabi ko.

"Sure. Wait." Sabi n'ya naman, tsaka pinahiram sa akin pagtapos n'ya isulat pangala n'ya.

Tsaka isinulat do'n 'yung name ko at tinupi sa walo 'yung katabi ko. Biro lang.

Tumayo ako tsaka naglakad papunta sa harapan at pinasok sa butas ng box 'yung 1/4 na may pangalan ko gaya ng ginagawa ng iba.

At nu'ng matapos e kinulog kulog 'yon ni sir Lenard para maihalo halo.

"Bubunot na ako." Sabi n'ya. .

Tsaka ipinasok 'yung kamay n'ya sa box para bumunot na. Tahimik ang lahat at hinihintay na banggitin 'yung mga pangalan nila para makasama sa camping.

Ibinaling ko ulit 'yung atensyon ko sa labas ng bintana. May mga naglalaro nanaman sa soccer field. Malapit na rin kasi 'yung university meet.

"Zion."

Sabi ni sir.

Nagpalakpakan naman sila na parang nanalo sa kung anong raffle.

Kagandahan din nitong ginagawa namin ngayon e hindi na kami makakapag first subject. Ayoko rin kasing mapressure, lunes na lunes.

"Next one is..." Pabitin na sabi ni sir. "Anika."

I dont know who that is.

Malay ko ba, kahit matatapos na first month ng first sem bilang palang mga kilala ko rito. Zion, Lucy, Kian??? Grabe. Nagtataka ako e hindi naman ako nakikipag socialize sa iba.

"Okay last."

Parang nagdadasalan na sila rito sa loob para mabunot 'yung pangalan.

"Gwyneth."

Napatingin ako sa harap. Nakatingin na rin sila lahat sa akin.

Nice. Just nice.

Kung sino pang s'yang hindi interesado e s'ya pang nabunot.

"Ngayon na compelete na kayo e sasabihin ko na mga kailangan n'yong idala so take note Zion, Anika, and Gwyneth " Panimula ni sir. "You need to take a first aid kit with you in case of emergency."

I dont have one.

"Second is your own tent, if you don't want to share and sleep with someone else."

I don't have one.

"Third is extra money."

I barely have money left in my pocket.

"A notebook and a pen."

My pen went missing.

"And since we have computer science related activities to do, you have to bring your own laptop."

Damn, I don't have one.

"That's all, kayo na bahala mag dala ng kung ano ano basta wag lang patalim." Sabi ni sir Lenard. "Kung sa mga maiiwan naman dito, don't worry may advantage pagkaiwan n'yo kasi 'yung mga sasama sa camp ay kailangan nilang gumawa ng journal na naglalaman ng pictures ng gagawng activities at summary ng camping na magaganap sa tatlong araw. 'Yung mga maiiwan naman e 'di na kailangang gawin 'yon at pasado na agad sa midterm project."

Nabuhayan naman sila ulit dahil do'n.

And that's unfair.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon