ASCEN'S POV
"Damn it, my head hurts." I heard Rune cursed.
We are both at their house now and we are still trying to find out what the codex has to do with the crime that happened. Pero kahapon pa namin ginagawa 'to at wala parin talaga kaming makitang trace o kahit amongst clue.
"Nagtataka talaga ako bakit wala parin 'yung mga nag camp." Sabi pa ni Rune na nakahiga sa sofa habang ginagamit 'yung laptop n'ya na nakapatong sa tiyan n'ya.
I was wondering about that too. Dapat kasi e friday nakabalik na dito sila Gwyn. Pero nabalitaan din namin nu'ng hapon ng araw na 'yon na inextend daw 'yung camping days nila pero hindi nila sinabi kung bakit. Tsaka need na rin kasi sa ibang subjects 'yung ibang prof na naro'n sa camp. Marami talagang nagtataka. Parang ang suspicious na rin ng days kasi hindi na dapat umabot ng higit limang araw 'yon.
Ang naisip ko lang e baka marami talaga silang ginagawang out of school activities. Pero nakakapagtaka parin talaga kasi naaapektuhan na no'n 'yung ibang subjects.
"Hey Ascen I'm talking to you." Pang aagaw ng atensyon ni Rune.
"Kapareho mo lang akong naiwan dito kaya wag mo 'kong tinatanong n'yan." Sabi ko habang patuloy parin sa pagtipa sa keyboard.
"Hindi ka ba nababahala kay Gwyn?" He then asked.
"Actually I'm worried. But he's with Xen so it's okay." I answered.
Mapagkakatiwalaan ko naman si Xen. Kaya sigurado akong sinisecure din no'n 'yung safety ni Gwyn if may possible danger nga na mangyari.
"Alam ko rin 'yan, pero kasi ang hirap isipin kung bakit hanggang ngayon hindi parin sila nabalik. Ang suspicious na." Sabi n'ya pa.
Hindi ko pinansin 'yung sinabi n'ya at pinagpatuloy lang 'yung ginagawa ko.
"Balita ko sa forest 'yung camp site nila." Rune said. "What if may naligaw pala sa kanila ro'n kaya hindi pa sila nakakabalik?"
Hindi ko parin s'ya pinansin.
"Tapos isa sa kanila si Gwyn?" Napatigil ako sa pagtype. "Geez, I'll kill all the professors for sure."
Agad akong tumayo tsaka kinuha 'yung phone ko at naupo sa sofang nasa harap ng sofang hinihigaan ni Rune.
"I'll call Xen." I said
Bigla bigla namang bumangon si Ascen mula sa pagkakahiga at nilapag sa mesa 'yung laptop n'ya.
"'Yan ang kanina ko pa hinihintay." Sabi n'ya.
Dali dali ko namang hinanap 'yung number n'ya tsaka dinial 'yon. Hindi n'ya rin agad sinagot. Pero maya't maya ay nagkakoneksyon na rin.
"Put it on loud speaker." Said Rune.
Ginawa ko naman 'yon tsaka nilapag sa mesa na nasa pagitan namin ni Rune.
On Call....
Ascen...
Nagkatinginan kaming dalawa ni Rune dahil sa boses n'ya na parang hinihingal gawa ng pagod at nanginginig din.
Why you sound like that?
I'm doing something important.
What is it?
Hindi s'ya agad nakasagot at tangingin 'yung paghinga n'ya lang 'yung naririnig namin mula sa kabilang linya ng telepono.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
غموض / إثارة"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
