GWYNETH'S POV
"Tignan mo gaano kasama? Kung binigyan mo sana ng tubig edi sana buhay parin s'ya ngayon!"
Damn, my head hurts so much.
"Tell me sir, when you're stuck in a cliff with another prof, then your only way to survive is water and then you're the only one who has it, will you give it to your partner and you'll die?" Rune asked.
Hindi nakasagot 'yung prof.
"Enough of that already." Sita ng pulis. "Pack all your things now and we're going back. And I want all of you sir to tell what happened here. Hindi pweding icover n'yo nalang lahat lalo't may dalawang namatay at kasalanan ng school 'yon." He added.
"Yes officer."
Nagsikilos na lahat ng nandito pati 'yung mga estudyanteng iba.
Sobrang sakit ng ulo at buong katawan ko. Nanlalata ako at hindi ko maramdaman 'yung bawat pagkilos ko. Naninikip na rin 'yung dibdib ko.
"We're going to drive Gwyn home." Napatingin ako kay Ascen dahil sa sinabi n'ya sa isa sa mga prof. Tsaka hindi n'ya na rin hinintay pang sumagot 'yung sinabihan n'yang prof at dumiretso kung saan nakatayo 'yung tent ko.
"You need everything Gwyn?" Rune asked.
I nodded. "Anything to eat." I said.
Agad naman s'yang kumilos at binuksan 'yung bag ni Asen na nakalagay dito sa upuang gawa sa kahoy. Tsaka ako bumaba sa mesa at umupo na rin. Ibinaba na rin ni sir Xen 'yung hinigaan kong foam para maibalik sa may ari no'n.
"There." Inilapag n'ya sa mesa 'yung mga dala n'yang pagkain. "Sorry we won't be able to pack rice." He said.
Iba't ibang klase ng mamahaling tinapay at pieces of cake 'yung nandito.
"It's okay, mahalaga makakain ako." Sabi ko tsaka nag umpisang kumain.
Ayoko na ulit maulit 'yung nangyari. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Iuunti unti ko pa 'yung natirang tubig sa plastic bottle na dala ko para manatili akong buhay hanggang sa may makahanap sa amin. Nu'ng mga unang araw sinubukan ko pang akyatin 'yung bangin kaso hindi ko magawa bukod sa wala na 'kong lakas e napakataas pa. Tapos nu'ng umabot na ng dalawang araw do'n na ako nawalan ng pag asa na may makakakita pa sa amin ng buhay. Lalo nu'ng namata na 'yung kasama ko. Umiyak na talaga ako kasi iniisip kong baka sumunod na ako. At nu'ng mga time na nakita ako nila Ascen, talagang hindi ko na alam kung mabubuhay pa ba talaga ako. Naghihingalo na ko ro'n e. Siguro kung hindi sila sumakto baka patay na talaga ako ngayon.
"Need mo ba madala sa hospital?"
Napatingin ako kay Ascen na dala dala 'yung mga gamit ko. "No, I want to eat rice." Diretsong sagot ko.
"Hey Xen." Napatingin si sir Xen. "You have rice left?" Ascen asked.
"Sorry naubos na kaninang lunch." He answered while packing his things.
"Sumaglit tayo sa jollibee mamaya." Rune said.
Tumango naman ako. "Thanks." I said.
Maya't maya ay unti unti nang pumapatak 'yung mga luha ko. Sobrang labo na rin ng paningin ko.
"Hey Gwyn, bakit?" Tarantang tanong ni Ascen. "You okay? May nararamdaman ka bang iba?" Sunod sunod n'yan tanong.
Umiling ako tsaka pinahid 'yung mga luha ko. "I almost d-died." Humihikbing sabi ko. "Sobrang natakot ako."
Ngayon ko lang naramdaman kung gaano kahirap kapag nararamdaman mong mamamatay ka na. Sobrang natatakot ako nu'ng mga time na 'yon. Ayoko talagang mapunta lahat sa wala. Lalo ngayong nababago na buhay ko.
"Tahan na, tsaka okay ka naman na Gwyn e, we're here." Ascen caressed my hair. "You did your best Gwyn, we're proud of you."
Mas lalong tumulo mga luha ko. I feel safe now. Tingin ko hindi dahil nakaligtas na ako, kung hindi dahil nasa tabi na ako ni Ascen.
Pinahid ko 'yung mga luha ko. "Thanks." I said. "I wanna go home." Sabi ko. "Can you call kuya?" I asked.
Agad namang kumilos si Ascen tsaka kinuha 'yung phone ko at dinial 'yung number ni kuya. S'ya na rin kumausap at sinabi 'yung lahat ng nangyari. Wala na rin akong pake kung sobrang mag alala s'ya. Mas okay nang malaman nila kung anong nangyari sa akin kesa sa wala silang alam. Tsaka, gusto ko ring maireport 'yung school namin kasi sa mga ginawa ng mga profs. Hindi ko rin naman maitatago 'yung mga sugat at pasa ko sa katawan. Tsaka muntik na rin akong namatay. Talagang mag aalala talaga pamilya ko sa nangyari.
"He said he's going to wait us in front of your house." Ascen said. "Tara na? Or you'll still eat?" He asked.
"Tara na, sa bahay nalang ako kakain." I answered.
"Aight." Inayos ni Rune 'yung mga pinagkainan ko at 'yung mga natira. "How about you Xen? Angkas ka na sa akin?" He asked Xen.
"No, thanks, mag rereport pa kami sa Uni." He answered.
"Okay then, we'll go." Rune said.
"Ingat kayo."
Tumango si Rune.
"Wait here, ipapasok namin 'yung motor." Ascen said.
Tinanguan ko lang s'ya tsaka tahimik na nakaupo paharap sa mga nag aayos na estudyante. Karamihan sa kanila tapos na, 'yung iba nama'y nag aayos pa rin, pati 'yung ibang prof— oh I forgot.
Dahan dahan akong tumayo kahit sobrang sakit ng katawan ko gawa ng mga sugat at pasa. Halata ko na ring sobrang putla ko na. Kainis. Binuksan ko 'yung backpack ko tsaka kumuha ng pagpapalitan. Tapos dahan dahan ding naglakad papunta sa banyo para gawin 'yung mga dapat kong gawin.
Nahirapan din akong magtanggal at magsuot ng damit kasi nabibinat 'yung mga sugat ko. Parang kumikirot bawal parte ng katawan ko kapag naigagalaw.
Kainis naman. Sana hindi ito abutin ng ilang araw para makakilos na ako ng maayos. Baka hindi rin ako payagan pumasok e. Ayoko namang mahuli sa klase. Tsaka may mga gusto rin akong tapusin at tuklasin. Lalo 'yung mga nalaman ko. Sure talaga akong isa sa mga prof 'yung may kinalaman sa Codex, o isa mismo sa kanila 'yung member no'n. Pero hindi ko maintindihan kung bakit basta basta nalang nila 'yon pinapakita sa mga estudyante? Hindi kaya alam nilang may estudyanteng nakakaalam kung sino sila?
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
