CHAPTER 87: PLAN

63 12 0
                                        

"Nakaka bother 'yung memo." Sabi ni Rune.

Nasa Xanthe kami ngayong tatlo. Kakarating ko lang din kasi kakatapos lang ng last subject namin which is nalate lang pumasok saktong pagkaalis ni sir Lenard.

"If he's the only prof that'll be at that meeting tomorrow, then we really should prepare." Ascen said. "Hindi natin alam kung anong binabalak n'yang gawin." Dagdag n'ya.

'Yan din 'yung naisip ko kanina. Baka may binabalak nga talaga s'yang gawin.

"Pero nakapagtataka naman na bakit kinakailangang lahat tayo na estudyante from Computer Science e need umattend? Kung gusto n'ya tayong puntiryahin, hindi ba dapat tayo lang?" Takang tanong ni Rune. "Baka naman something about sa course lang talaga natin 'yon at hindi pa 'yung sinasabi ni Xen na binabalak n'ya."

Nagkibit balikat si Ascen. "Mas okay kapag gan'yan. Kasi wala pa tayong nagagawang paghahanda. Malalagot tayong tatlo." Sabi n'ya. "But we still need to be prepared."

"Paano naman? Buti sana kung it's about hacking and stuffs, pero hindi, it's a physical meeting. Kapag biglang sinaksak si Gwyn yari tayo."

Kinabahan naman ako sa sinabi ni Rune.

"Stop making her uncomfortable you idiot." Paninita ni Ascen. "Don't worry Gwyn, you can stick with me tomorrow." He said. "Kaya na namin sarili namin kaya wag kang mag alala." Dagdag n'ya.

"Pasensya na sa sinabi ko Gwyn, pero tama si Ascen, wag kang mag alala. Kaya ka naming ilayo sa disgrasya if ever. Hindi ka mahahawakan ng gagong 'yon." Sabi naman ni Rune. "Nag aral kami ng ilang self defense pareho ni Ascen, kaya rin naming mag hold ng guns."

Gumaan kahit papaano 'yung pakiramdam ko ro'n. Pero hindi parin maalis sa utak ko 'yung sinabi ni Rune. Walang mali ro'n. Kasi may possible ngang gano'n 'yung mangyari. Hindi ko naman hawak 'yung mga mangyayari para makita kung anong mga magiging kilos n'ya at baka bigla nga talaga akong saksakin nalang. Pero sana naman hindi.

"Just stick with us." Ascen said.

Tumango ako. Tsaka mas napapalagay ako kapag malapit ako sa kanila. Talagang hindi ako lalayo bukas.

"Pero paano kapag by section 'yung setup bukas sa auditorium?" Tanong ni Rune.

"The we need to have contact with each other, an earpiece will do." Ascen answered. "Wait I'll get you one."

Tumayo si Ascen mula sa pagkakaupo at pumasok sa silid n'ya rito sa taas. At wala pang dalawang minuto ay lumabas na s'ya dala dala ang isang bagay.

"Wear it tomorrow, it's a wireless earpiece. Isecure mo s'ya maigi sa tenga mo where you can hear comfortable. You can connect it in your phone, and always leave it open so that we can talk to each other." Bilin n'ya.

Inabot ko naman 'yung bigay n'yang earpiece na kadalasan kong nakikita sa mga movies na ginagamit ng secret agents.

"Rune already have his earpiece, wear that too." Ascen said before sitting down.

"Yes sir."

"And oh, memorize the codes Xen gave us. Baka sakaling magamit natin 'yon. And don't complain Rune, or you wanna end up dead."

Sinamaan s'ya ng tingin ni Rune. "Wala pa nga akong sinasabi nambabanta ka na agad, opo boss hindi na magrereklamo." Sabi ni Rune.

Hindi na umimik si Ascen.

Kinakabahan parin talaga ako. Kahit anong paghahanda namin kung hindi rin naman namin alam kung anong binabalak nu'ng prof na 'yon e baka mawalan din ng saysay lahat.

fw

"Thank you." Sabi ko tsaka bumaba sa pagkaka angkas kay Rune.

7 na ng gabi, dami rin kasing bilin sa akin ni Ascen. Pero pare pareho lang din. Paulit ulit n'yang sinabing mag iingat ako bukas at wag puputulin 'yung koneksyon naming dalawa para hindi s'ya mag alala. Tsaka sabay sabay din naming kinabisado 'yung mga codes na iniwan ni sir Xen.

"See you bukas." Sabi ni Rune pagkaalis n'ya ng helmet ko.

Tinanguan ko s'ya. "Ingat ka."

Hindi ko na s'ya hinintay pang sumagot at pumasok na sa gate ng bahay namin at isinara rin 'yon pagkatapos. Nagtuloy tuloy lang ako sa pagpasok sa bahay pero patungo sa kusina.

"Kauwi na ko." Bungad ko tsaka naupo na sa harap ng hapag kainan.

"Oh, hindi mo man lang inaya si Rune dito sa loob." Sabi ni mama.

"Hindi na ma, mahihiya rin naman 'yon." Sabi ko tsaka nag umpisang sumandok ng kanin. "Nga pala ma, may meeting daw kaming mga computer science students bukas." Sabi ko.

"Bakit sabado pa?" Takang tanong ni kuya.

"Para raw hindi maapektuhan 'yung ibang subjects namin." Sagot ko.

"Tungkol saan naman 'yang meeting na 'yan?" Tanong naman ni papa.

"Ewan ko po, ang nakalagay naman sa memo e may kinalaman din sa course namin." Sagot ko.

"Sa dinami dami ng araw ba't naman sabado pa. Hindi nalang sila nag sacrifice ng isang araw para naman hindi mabawasan 'yung araw ng rest days n'yo." Sabi pa ni mama.

"Wala ko magagawa do'n ma, need ko nalang sundin tsaka hindi sana ako aattend kung hindi mandatory." Sabi ko.

"Ay basta mag iingat ka. Kung ano ano nang nagaganap sa school n'yo e."

Tinanguan ko si mama.

"Kapag may nangyaring masama pa d'yan at dawit ka ulit ililipat ka na namin ng school." Sabi naman ni papa.

"Bakit need n'yo pang ipaabot du'n pa, ilipat n'yo na s'ya. Hindi na s'ya safe rito e." Sabi ni kuya.

"As long as kasama ko sina Ascen, safe ako." Sabi ko habang kumakain.

"Pero kasi anak, hindi pweding naka rely ka sa kanila palagi."

"Sila nagsabi sa akin no'n ma, tsaka pakiramdam ko safe ako kapag kasama ko silang dalawa." Diretso kong sabi.

Tumahimik silang tatlo.

"Kung 'yan ang tingin mo e naiintindihan namin. Pero kapag alam mong nagiging pabigat ka na sa kanila, itigil mo na. Ang dami na nilang nagawa para sayo, nakakahiya na." Sabi ni mama.

"Wag nga kasi kayong mag alala ro'n ma, sila mismo may gusto." Sabi ko naman.

Hindi sila agad nakaimik agad.

"Kung gano'n, sana mas tumibay pa pagsasama n'yo." Sabi naman ni papa.

Ang weird na nag cocontradict silang dalawa sa mga sinasabi nila. Nag aalala at sumusuporta at the same time, pero hindi ko naman sila masisisi.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon