"You're the one who is dumb Rune." Ascen said.
Rune's forehead knotted. "And why?" Takang tanong n'ya.
"Hindi mo ba naisip na 'yung message sa kan'ya nu'ng suspect ay pweding pinapapunta lang s'ya sa banyo para may ibigay o kung anong deal lang at hindi n'ya alam na papatayin s'ya?"
Napatahimik saglit si Rune. "He's still dumb encrypting it." He said.
"Pero bakit n'ya naman kaya itatago?" Tanong ko.
Kasi kung simpleng conversation lang nga 'yon e wala namang dahilan para itago n'ya pa.
"There's a spreading rumors on the internet just days ago." Ascen said.
"What rumors?" Rune asked.
"It's a post from an anonymous person spreading false information about the victim. He even hacked all the group chats of their section and posted pictures of him naked."
Damn.
"So what you mean is that maaaring 'yung deal nila nung suspect e magkita sila sa comfort room tapos buburahin ng nagpost 'yung post n'ya and even all the pics that he spreaded which is also the killer?" Rune asked.
"Yes. And the truth is, kahit si Philip hindi kilala kung sinong pumatay sa kan'ya kasi nga anonymous din 'yung nagpost na s'yang pinapakiusapan n'ya para burahin lahat ng kinalat n'ya." Sagot ni Ascen.
"But why the hell did that anon person did such thing? Tingin mo that anonymous person is someone that the victim already knew? Tapos nagkaro'n lang sila ng away kaya nagawang bumawi nu'ng taong pumatay sa kan'ya?"
"Yep, that's possible." Ascen said.
"Pweding 'yung ex girlfriend n'ya 'yung may gawa kasi you've mentioned that the suspect spreaded nude pics of him. Malay mo, baka nu'ng sila pa e nagpapalitan sila ng mga hubad na pics." Sabi ni Rune.
Sa generation ngayon normal nalang 'yan. Minsan ginagamit ding pang blackmail 'yung mga 'yon kapag nakipaghiwalay 'yung isa sa kanila.
"I thought of that too, pero nalaman kong galing sa education 'yung babae kaya malabong may alam s'ya sa paggawa ng unhackable account, or not."
"Huh? What do you mean unhackable?" Rune asked.
"Nu'ng nakita ko 'yung post sa internet hindi ako nag abalang iistalk 'yung profile nu'ng nag post. Basta it doesn't have a picture and the name is blank. Hindi ko naman alam na magagamit ko pala 'yun ngayon, nagsisisi rin ako na hindi ako naglaan ng oras para i-hack 'yung account no'n." Sagot ni Ascen.
"You're dumb in that part Ascen." Said Rune.
"Yeah." Sang ayon naman ni Ascen.
"Pero hindi mo na ba pweding i-hack ngayon 'yung account?" I asked.
"That's the problem, the account's already deleted." Sagot n'ya.
Great.
"Pero kung third year na 'yon sa computer science, hindi ba dapat may alam na rin s'ya sa pag trace ng anonymous accounts?" Tanong naman ni Rune.
"No, and not all have the skill to hack."
"Well, that's why."
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako at natatakot ng sobra ngayon. Ang layo na ng narating naming tatlo na pati kaso ng iba pinapakealaman na namin. Akala ko ako lang 'yung sangkot, hindi ko alam na pati si Ascen pweding madamay sa case na 'to, at alam kung malayong mas delikado 'yung sitwasyon n'ya kesa sa akin ngayon.
Nalipat naman kay Rune 'yung atensyon ko sa bigla n'yang pag labas ng kwarto nang hindi nagpapaalam sa amin.
RUNE'S POV
Hindi na ako nag abala pang magpaalam sa kanila at lumabas ng silid. Pagkalabas ay tinungo ko 'yung silid ko para kuhanin 'yung isa ko pang laptop na hindi ko ginagamit.
Pagkakuha ko no'n ay bumalik din ako sa loob kung saan naro'n sina Ascen. Tsaka kinuha pa 'yung usual kong ginagamit na laptop tsaka pareho 'yon binuksan pagkalapag ko sa mesa.
"What are you planning?" Tanong ni Ascen sa akin.
"Just decrypt that file, I'll let you know right before I did what I could." I answered.
Hindi na s'ya nagsalita pa.
Makailang refresh pa ng isa kong laptop ay nag connect ako sa wifi namin.
Nag aalala parin ako kay Ascen hanggang ngayon, possible kasi na pagbintangan s'ya at baka agad namang maniwala 'yung mga pulis ngayon na karamihan sa kanila e basta basta nalang nagpapaniwala sa mga sabi sabi lalo pag wala talaga silang trace na makita sa crime scene.
At para mapanatag, susubukan kong i-hack 'yung wifi network ng library at i-check kung connected ba 'yun sa system ng CCTVs nila ro'n.
I started to run specialized software to scan the library's wifi at para ma-scan 'yung security nito.
I used intricate processes, different kinds of hacking tools and scripts to hack its network.
"Got you." Nakangising bulong ko pagkatapos kong mahanap 'yung wifi network ng library.
Need ko nalang sirain 'yung security to have access. I did several advanced techniques to bypass the network's encryption and authentication mechanisms.
Sinubukan ko ring hanapin 'yung kahinaan nito hanggang sa passwords na hindi masyadong mahirap i-guess.
Napangisi ulit ako nang makakuha na ako ng unauthorized access sa network ng library.
Now what I need to do is to break the securities within to gain the CCTV footages. Hirap nga lang kasi ang daming layer ng security encryption 'yung kailangang i-bypass para mapasok ko na talaga. And need ko ring mag ingat sa mga kilos ko para hindi ako matrace ng kung sino.
"Another one." Bulong ko a sarili ko pagkatapos kong ma-breach 'yung internal network.
Now that I'm in, I just need to find the CCTV system and establish a remote connection since I can't get through the library.
Maraming methods and techniques akong ginawa para mahanap 'yung location ng server na nagho-host sa CCTV system.
Finally. After tricking the system, it now granted me an access to the footage. And yes, I now have the access of the CCTV.
Agad ko namang hinanap 'yung footage kung saan nakita si Ascen and copied it to my USB before deleting it para hindi na makita sa system. I also deleted all the traces I left at pinagpalit palit 'yung time ng mga footages para wala silang mapansin na may nabura kung sakaling i-check nga nila.
And when I'm finished cleaning the mess I did, I ensures that the data transfer is secure and discreet to prevent detections.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Misteri / ThrillerThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...