CHAPTER 79: THE LAST CRIME

72 12 0
                                        

It's already friday. Bilis din lumipas ng araw. Hindi ko na namamalayan. Baka mamaya patapos na agad 'yung month ng October kahit kakaumpisa palang ata nu'ng nakaraan.

Napatingin kaming lahat na nandito sa loob ng classroom sa tumatakbo naming kaklase papunta rito.

"Ano mero'n?" Tanong nung captain namin sa kan'ya.

"Patay na raw si sir Xen."

T*ngina.

"Hala, ano raw ikinamatay?"

"May saksak ata sa dibdib, tapos do'n s'ya natagpuan sa papasok sa eskinita kung saan s'ya nagi stay."

Papasok sa eskinita?

Dali dali kong kinuha 'yung bag ko tsaka patakbong lumabas ng classroom pababa ng building. Hindi ko na rik pinansin pa 'yung mga nadadaanan ko sa sobrang bilis ng pagtakbo ko. Hindi na rin ako nagdadalawang isip pa na lumabas ng gate ng school at tumawid para makarating sa kabilang kalsada.

At makaraan pa ang ilang minuto ng pagtakbo ay narating ko na 'yung eskinita kung saan may mga pulis na ngayon at ilang mga taong nakapaligid sa labas ng kordon.

Lumapit ako tsaka tinignan 'yung wala nang buhay na katawan ni sir Xen. Gusto ko na ring maluha. Tumama 'yung kutob ko kahapon, talagang may masamang mangyayari nga. Pero hindi ko iniexpect na ganito.

Ang sakit tignan. Kasi kahit konti lang 'yung naging pagsasama namin ni sir Xen e naramdaman ko 'yung kabaitan n'ya. Lalo nu'ng camp na binantayan n'ya ako, at nalaman ko ring sobra raw s'yang nag alala sa akin nu'ng nawala ako. Nagawa n'ya pang makipag away sa ibang prof para lang mahanap ako. Nakakalungkot. Marami pa akong gustong malaman tungkol sa kan'ya, lalo't kaibigan din s'ya nila Ascen. Pero bakit ganito? Bakit bigla nalang s'yang nawala?

"Mukhang malinis 'yung crime scene." Sabi nu'ng isang pulis. "Wala po ba talaga kayong nakitang iba rito nu'ng natagpuan n'yo sya?"

Umiling 'yung kausap n'ya na matandang lalake. "Wala po sir, alas singko na po nu'ng nakita ko s'ya, tsaka 'yung dugo n'ya po mahahalatang napaglipasan na ng oras. Madilim na rin po kasi rito sa eskinita kaya wala nang nagtatangkang lumabas ng gabi sir kaya siguro hindi nakita agad." Sagot n'ya.

Pero bakit dito s'ya namatay? Wala ring kahit ano rito, walang naiwan na kung ano para maging clue. Tsaka hindi ba dapat naro'n s'ya ngayon sa tinutuluyan n'ya? Bakit dito s'ya pinatay?

Napasinghap ako.

Si sir Lenard.

S'ya lang 'yung alam kong may gawa nito. Pero wala akong proof para mapatunayan 'yon. Buti sana kung nakuhanan ko s'ya ng video nu'ng pumasok s'ya rito sa eskinita e edi mas okay sana. Pero wala e. Paano nila ako paniniwalaan? Mamaya mapagbintangan nanaman ako lalo't hindi ako nawala sa una at ikalawang krimen na naganap nu'ng nga nagdaang araw. Gusto ko ring tumulong sa case na 'to, pero paano?

"Gwyn."

Napatingin ako sa nagsalita. It's Ascen and Rune.

Hindi ko madescribe 'yung itsura nilang dalawa ngayon. Para silang binagsakan ng langit. Parang anytime mapapaiyak na rin silang dalawa. Kahit ako. Hindi ko pa masyadong close si sir Xen pero sobra na akong naaapektuhan. Paano pa kaya silang dalawa na matalik n'yang kaibigan? Alam kong sobrang sakit para sa kanila 'tong nangyari.

"We need to go." Ascen said.

Lumapit ako sa kanila. "Saan?" Tanong ko.

"House of Rune." He answered.

Hindi na ako nagtanong pa kung bakit at agad na sumunod sa kanila sa paglabas dito sa eskinita.

Hindi rin ako kumibo nu'ng isinusuot sa akin ni Ascen 'yung helmet. Parang kumirot 'yung dibdib ko. Ang pula ng mga mata n'ya. Ang dami kong nakikitang emosyon sa kan'ya ngayon. Halo halo. Galit at lungkot. Ang sakit n'ya sa dibdib tignan, hindi ko matagalan.

"Sakay na."

Agad akong umangkas sa motor n'ya at mabilis n'ya rin 'yong iniandar paalis. Ganon din si Rune na nakasunod lang.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin kami sa bahay nila. Tsaka ko sila parehong hinintay na igarahe 'yung mga motor nila, bago kami sabay sabay na pumunta sa taas at pumasok sa ikatlong silid kung saan kami madalas.

"Who the fvck did that." Galit na sabi ni Ascen pagkaupo sa sofa.

Nilock naman ni Rune 'yung pinto tsaka rin tahimik na umupo. "Who ever they is, they'll pay." Pati sa boses ni Rune, halata na ring galit.

Napayuko ako. "I think it's my adviser." Napatingin sila sa aking dalawa. "Prof Lenard." Inangat ko rin 'yung tingin ko.

Nagkatinginan silang dalawa.

"Paano?" Tanong ni Rune.

"Aware ba kayo na simula nu'ng lunes hindi s'ya nagpakita sa school?" Tanong ko.

"We're not, wala rin naman kaming pake sa kan'ya." Sagot ni Ascen.

"Well hanggang kahapon nga wala s'ya. Nagtataka na rin kami nung katabi ko kasi hindi na s'ya napasok sa subject namin at wala na kaming natututunan." Sabi ko. "Nag iwan lang s'ya ng activity kahapon, and since last subject namin s'ya, umuwi na ako pagkatapos kong gawin 'yon. Pero pagkalabas na pagkalabas ko ng gate, nakita ko s'yang bumaba sa isang sasakyan tsaka pumasok sa eskinita kung saan umuuwi si sir Xen." Pagtutuloy ko. "And I was about to follow him pero nakita ako ni kuya kaya dumiretso uwi nalang ako." Patapos kong sabi.

Napasandal sa sofa si Ascen. "Why did he do that." Mahinang sabi n'ya pero sapat na para marinig namin.

"Maybe because nu'ng last crime e s'ya lang 'yung hindi sinisi ng mga parents ng namatay?" Patanong na sagot ni Rune.

"Napaka babaw naman na dahilan no'n." Sabi ko naman. "Kinukutuban talaga ako sa prof na 'yon. Dama ko ring parang may sama ng loob nga s'ya kay sir Xen, hindi ko lang alam kung bakit." Dagdag ko.

"Simulan nu'ng pinagbibintangan n'ya si Ascen, sumama na rin pakiramdam ko sa prof na 'yon kahit hindi ko pa nakakasalamuha befre e." Sabi ni Rune.

"He'll pay for what he did to Xen." Ascen seriously said. "But we need to gather informations and proofs first." He said.

"Pero paano?" Takang tanong ko.

"We're not a hacker for nothing Gwyn." Rune said. "We're going to dig deeper about that Professor Lenard that's why we're here." He added.

Sana nga. Sana nga may mapala kami at malaman lahat ng katotohanan.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon