CHAPTER 16: XEN III

104 13 0
                                        

"Sure ka bang sa city library ka pupunta?" Tanong ni kuya.

Kasalukuyan kaming naglalakad ni kuya sa gilid ng highway.

"Oo, wag ka nang matanong." Sagot ko.

Pinagsabay kasi kami ni papa na dalawa, para raw malaman kung sa library ba talaga ako pupunta. Nakakainis. Mga walang tiwala e.

Pero hindi nga naman talaga ako sa library pupunta.

"Oh pasok na, uwi ka rin agad a."

Nasa tapat na kami ngayon sa city library.

"Didiretso akong park mamaya, wag kang nandidikta d'yan. Hindi na ako bata." Sabi ko.

"Oo na, basta umuwi kang buo." Pasuko n'yang sabi. "Una na ko." Paalam n'ya tsaka naglakad palayo ng kinalalagyan ko.

Naupo naman ako sa bench na nasa harapan ng city library. Tsaka ko kinuha 'yung phone ko at binuksan ito.

Rune Eldric (1)

Agad ko namang pinindot 'yung pangalan n'ya sa chatlist ko.

Rune

San kita susunduin?

Tapat ng city library.

Okayy, omw.

Binalik ko naman 'yung phone ko sa bulsa ng suot kong pants. At akmang aayos ako sa pagkakaupo nang biglang may humintong motor sa tapat ko.

"Rune?" Gulat kong sabi. "Kala ko papunta ka palang?" Takang tanong ko.

Nginitian n'ya ako. "Kanina pa ako sa tapat ng com shop, hindi mo siguro ako nakita ro'n." Sagot n'ya. "Lika."

"Ha?" Wala sa sariling tanong ko.

"Lapit ka sa akin."

Tumayo naman ako tsaka naglakad palapit sa kan'ya, wala parin sa sarili.

Tsaka ako nabalik sa huwisyo nang bigla n'yang isuot sa akin 'yung helmet.

"Kaya ko naman Rune." Mahinang sabi ko.

Tumawa lang s'ya ng marahan. "Wala ka sa sarili e." Sabi n'ya. "Ayan, sakay na."

Pumukit pikit naman ako tsaka sumakay sa magarang motor n'ya. At walang sabi sabing pinaandar n'ya na ito paalis.

Ilang minuto pang pagbabyahe ay nakarating na kami sa bahay nila. Sinabi n'ya rin sa aking wala ulit tao rito ngayon bukod sa nga katulong nila. Lagi raw kasing wala rito sa pinas 'yung parents n'ya at inaasikaso 'yung business nila abroad. Halatang mayaman e.

"Una ka na sa taas Gwyn, ipapark ko lang 'to." Sabi ni Rune pagkatanggal n'ya ng suot kong helmet.

"Same room parin ba dati?" Tanong ko.

"Oo, naro'n na si Ascen, sunod nalang ako, dadala na rin akong snacks."

"Sige."

Nginitan n'ya lang ako bago pinaandar paalis 'yung motor n'ya.

Nagpakawala ako ng buntong hininga bago pumasok sa loob. Tsaka nagtuloy tuloy sa pag akyat ng hagdan tungo sa silid kung saan nagsisilbing hq nu'ng dalawa.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon