CHAPTER 5: SEEK FOR HELP

158 13 0
                                        

Magdamag akong nakamulat at hindi nakatulog, inabot na ako ng umaga kakaisip at kaka-surf sa internet para maghanap ng way para mabuksan yung phone ko at mabawi lahat ng naroon. Pero nabigo ako, lahat need ng professional help. Need daw talaga ipabukas sa mas malawak 'yung alam pagdating sa hacking.

Ah sh*t. Naiinis na ako ng sobra.

"Hoy Gwyn bangon ka na d'yan nakaligo na ako." Sabi ni kuya mula sa labas ng silid ko.

Pungay ang mga matang tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama. Tsaka kumuha ng pagpapalitan sa kabinet ko at tumungo sa banyo para maligo na.

Lutang akong kumikilos, hanggang sa makabihis at makapag ayos na ako. Good thing hindi masyadong halatang puyat ako kasi hindi naman ako gabi gabing nananatiling gising. Hihintayin ko nalang sigurong dapuan ako ng antok mamaya tsaka ko itutulog. Kaso 5 pala uwi ko mamaya. Sana nalang e kayanin ko.

"Anong nangyari sayo? Ba't parang hindi ka natulog?" Tanong ni kuya pagkaupo ko sa harap ng hapagkainan.

"Ah wala, may tinapos lang." Sagot ko tsaka nag umpisang kumain ng almusal.

"Baka naglaro ka magdamag?"

Umiling ako. "Wag ka nang matanong kuya, kita mong puyat 'yung tao." Kalmado kong sabi.

"Tama na 'yan ang aga aga." Sabi ni mama. "Ibawi mo nalang lahat mamaya pagdating mo rito sa bahay."

Tinanguan ko si mama.

Sumubo lang ako ng tatlo pa bago napagpasyahang uminom ng tubig at tumayo na. "Tapos na ako."

"Hindi mo pa nga nakakalahati Gwyn." Pansin ni kuya. "Ubusin mo 'to, puyat ka na nga konti pa ng kinain mo." Panenermon ni kuya.

Kainis na 'yan, wala na nga si papa s'ya naman pumapalit sa pagdaldal dito. Lagi nalang nasesermonan e.

"Ayoko na, wala kong gana. Kakain ko nalang ng marami mamayang lunch." Patapos kong sabi tsaka bumalik sa banyo sa taas para magsipilyo.

Humarap lang ulit ako sa salamin tsaka inayos 'yung sarili ko bago bumalik sa baba dala dala 'yung bag ko.

"Hintayin mo ako, magsisipilyo lang." Sabi ni kuya pagkababa ko.

Hindi ako umimik at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng bahay.

Hindi ko maramdaman 'yung sarili ko ngayon. Parang nakalutang lang ako sa ere at walang buhay. Parang nag marathon ako paulit ulit. Sobrang pagod, nanlalata na rin.

Patuloy lang ako sa paglalakad sa gilid ng highway. May mga nakakasabay din akong ibang estudyante sa university na pinapasukan ko. Pero hindi tulad ko ay masigla silang naglalakad.

Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa room namin. Pagod akong naupo at ini-ub ob 'yung mukha ko sa mesa. Maya't maya pa ay naramdaman ko 'yung presensya ng kung sino na naupo sa tabi ko.

"Hi Gwyn!" Rinig kong bati n'ya.

Hindi ako nag abalang mag angat ng tingin sa sobrang pagod at panlalata.

"Pansin ko pagpasok mo na pungay 'yung mga mata mo. Hindi ka ba nakatulog?" Tanong n'ya.

"Mmm." Simpleng tugon ko.

"Pwede ko bang malaman kung bakit?"

Hindi ako kumibo.

Maraming pweding mangyari kapag sinabi ko sa kan'ya kung anong dahilan bakit hindi ako makatulog. Maaaring isipin n'yang napakatanga ko kasi isa akong computer science student na nagti-take ng cryptography and network security course tapos maha-hack 'yung phone. At ayokong pumasok sa utak n'ya 'yon.

Pero may naalala ako.

"May alam ka sa hacking?" Tanong ko pagkaangat ko ng ulo ko.

"Ah oo, bakit?" Tanong n'ya pabalik.

On the other hand parang pinwesto ko na rin 'yung sarili ko sa posisyon para i-kwento sa kan'ya 'yung nangyari.

"I can't open my phone, it's hacked." I answered. "All my emails and accounts are gone, I can't even access my own sim cards." I added.

Hindi s'ya umimik. Now probably thinking how dumb I am as a Cryptography and Network Security student.

"Nakakalungkot naman 'yan." She said.

Ini-ub ob ko ulit 'yung mukha ko sa mesa.

'Nakakalungkot naman 'yan' (Isang halimbawa ng mga tugon kapag walang masabi o walang interes sa kausap)

Dapat pala hindi ko nalang sinabi.

"Pasensya na wala pa kasi akong masyadong alam d'yan e, pero baka pwede kang magpatulong sa mga prof natin, habang vacant pa." Sabi n'ya.

May point s'ya ro'n.

Walang sabi sabi akong tumayo tsaka isinukbit sa balikat ko 'yung bag ko. "Punta ko sa faculty, thanks." Paalam ko tsaka umalis ng room.

Kahit pagod ay mabilis akong bumaba ng hagdan patungo sa computer science building. Tinungo ko lang din 'yung faculty room kung nasaan naroon 'yung mga professors sa course namin.

Kahit nahihiya ay pumasok na ako.

"Good morning po." Bati ko pagkapasok.

"Oh Ms. Gonzales tama?" Tinanguan ko 'yung adviser namin na kasalukuyan ding nandito kasama 'yung ibang profs namin. "Anong sadya mo nak? Hindi parin ba naayos 'yung names mo sa enrollment form?" Tanong ni sir.

Umiling ako tsaka lumapit sa kan'ya. "Itatanong ko lang po sana kung kaya n'yo pong buksan 'yung phone ko." Huminga akong malalim. "Kagabi po kasi biglang may nag pop up na notif, nu'ng una po dinecline ko 'yun pero nag pop up ulit, kaya pinindot ko na. Pero hindi ko po alam na 'yun din po magiging dahilan ba't hindi ko na mabuksan 'yung phone ko, at hindi ko na rin po ma-access 'yung emails and accounts ko kahit sa ibang phone ko po hanapin." Mahabang paliwanag ko.

Napatango tango 'yung prof ko, pati 'yung ibang profs na nandito sa loob ay marahan ding nakikinig kanina sa mga sinabi ko.

"Your phone is hacked." I nodded. "That's why you need to secure your phones. Tama lang na nag shift ka sa course na 'to kasi pag aaralan natin 'yung mga kailangang gawin at mga techniques para mas mapatibay 'yung security." He added.

"Opo sir." Sabi ko.

"Iwan mo nalang muna dito 'tong phone mo." Sabi ni prof. "We will try to open it tapos ipapatawag nalang kita mamayang hapon."

"Sige po sir thank you."

Tumango s'ya. "Go back to your class now, I'll work on this habang vacant ko pa."

Tumango lang din ako tsaka tuluyang lumabas ng faculty at nag umpisang maglakad pabalik sa school building namin.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon