8:30 pm
Pagkadating ng mga pulis at ilan pang mga rescuers ay agad na binuhat padala sa sasakyan 'yung wala nang malay na estudyante.
Pero bago nila ginawa 'yon ay sinuri muna nila kung anong ikinamatay n'ya at sinabing malakas na pagkakatama ng mabigat na bagay sa kan'yang ulo. Bato.
Marami na ring nandito, hindi lang nakadamit pang pulis kung hindi pati pang sundalo. And they are all armed.
Akala ko aalis na kami agad para maghanap pero hindi, isa isa muna nilang ininterview 'yung mga estudyante para alamin kung nasaan sila at kung anong ginagawa nila bago nila malamang may namatay na. Pare pareho rin sila ng sagot na naghahanap lang ng boxes na mabubuksan, at 'yung iba e nagso solve mismo ng puzzle.
Walang nagsabi na nakasama nila 'yung biktima, o nakita man lang at nakasalubong sa gitna ng gubat. Basta nagulat nalang daw sila nu'ng nakita na nila itong walang buhay at duguan 'yung ulo.
"What do you think is the reason why those two are missing?" One of the police officers asked.
"We don't know sir." Sagot ng prof.
Actually may consent naman kami at aware sila na gagamitin namin 'yung forest for an activity basta maglagay ng limit at bilinan 'yung mga estudyante na wag lalagpas do'n. Pero sa mga nangyari, nasa mga professors o 'yung nakaisip mismo ng activity na 'to 'yung sisi. Baka makasuhan din sila ng parents nung namatay at nung mga nawawala.
"There's a possibility that one of them is the suspect that's why she ran far away, and one of them is just lost." The police said.
Might be. Pero 100% sure ako na walang kinalaman si Gwyn sa crime. Alam kong hindi n'ya magagawa 'yon. Kaya may possibility na 'yung isa talaga 'yung suspect at mas piniling lumayo. Tapos si Gwyn naman e hindi na nakita 'yung string kasi maaaring napigtas nung suspect sa ginawa n'yang pagtakas, kaya rin naliligaw ngayon si Gwyn. Hindi ko naman pweding sabihin sa kanila kasi alam kong hindi sila maniniwala sa mga suspetsya ko.
"Then we have to move immediately." Sabi ng isa pa sa mga pulis.
"I need one of you sir to lead us to the crime scene, the female profs will stay here with the students and the other polices, rescuers, and profs will start finding the two missing students." The police officer ordered. "Alright move!"
Pagkasabi n'ya no'n ay agad akong kumilos papasok sa gubat. Pero hinanap ko muna 'yung puno na pinagtalian namin ng string. At nakita kong nakalaylay na nga sa baba 'yon, ibig sabihin napigtas na.
Napatingin naman ako sa ibang mga kasama kong maghahanap, at sa kaparehong direksyon sa pinangyarihan ng krimen sila pumasok imbes na sa pinagpasukan ko. Ewan ko sa inyo.
May dala rin akong flashlight ngayon, at iba pang devices na nakalagay sa bag ko. May tubig at mga pagkain din sakaling mahanap ko agad si Gwyn.
Nag umpisa na akong maglakad sa mapunong gubat. Matataas na rin 'yung mga damo rito sa bahaging ito. Nakakatakot din para sa normal lang na tao 'yung ganitong atmosphere. Madilim, tahimik na tanging mga tunog lang ng mga insekto 'yung naririnig sa paligid. Mahangin din pero hindi sapat 'yon para mawala 'yung mga pumapatak na pawis mula sa mukha ko gawa ng kaba.
Habang naglalakad din sa loob ay binabali ko 'yung mga sanga ng mga nadadaanan kong puno. Palatandaan para madali akong makabalik sa site.
Ilang minuto na rin akong naglalakad at nararamdaman ko na rin 'yung pagod. Alam kong iba iba 'yung level ng mga katawan ng tao kung kailan magkakailangan ng tubig. Pero nasisigurado kong kahit konting lakaran lang dito sa gubat e kahit sino mauuhaw agad. Mas lalo akong nag alala kay Gwyn. Paano pa kaya s'ya na may ilang oras nang nawawala? Baka uhaw na uhaw na 'yon ngayon at nakahiga na kung saan. Pero sana naman buhay parin.
Alam kong sobrang mag alala 'yung pamilya n'ya kapag nalaman nilang nawawala s'ya ngayon. Alam ko ring sa aming mga guro isisisi lahat ng nangyari. Tapos kina Ascen at Rune. Alam kong mas mag aalala sila. Baka kapag sinabi ko sila 'yung ganap dito ngayon ay bigla silang bumyaheng dalawa papunta rito para hanapin din si Gwyn. Alam kong kahit anong mangyari gagawin nung dalawa mahagilap lang s'ya.
Lalo si Ascen.
Alam kong aware na s'yang nagiging dahilan si Gwyn ng pagbabago n'ya. Halata ring ginugusto n'ya 'yung mga pagbabagong 'yon sa sarili n'ya. At alam ko ring gagawin n'ya lahat para mapanatiling nasa tabi n'ya lang si Gwyn hanggang sa tuluyan na n'yang matuklasan kung ano 'yung tunay n'yang nararamdaman at kung paano ito i-express sa iba.
Kaya naman hindi ko talaga maisip kung gaano siya mag aalala kapag nalaman n'yang nawawala si Gwyn. Kung ganito ako sobrang kabahan, paano pa kaya silang dalawa? Hindi ko gugustuhin 'yung mga mangyayari kung sakaling dumating sa point na kailangan ko nang ipaalam sa kan'ya.
Pero isa lang talaga hiling ko ngayon, sana mahanap ko s'ya agad—
"Oh hi sir Xen."
Napatigil ako sa paglalakad. "Hi sir Lenard."
Mag isa lang din s'ya ngayon. "Mukhang sa ibang direksyon ka rin pumasok. Ang talino mo talaga." Sabi n'ya.
So ibig sabihin hindi n'ya kasama 'yung iba.
"Mas madali kasi sir." Tugon ko.
Tumango s'ya. "Nag aalala na rin ako sa estudyante ko, alam ko kasing isisisi sa akin kapag hindi s'ya nahanap." Sabi n'ya.
Talagang sa kan'ya na adviser mismo ni Gwyn isisisi 'yung nangyari sa kan'ya kapag hindi nga s'ya nahanap o kahit mahanap man, knowing na nalagay sa panganib 'yung buhay n'ya ngayon.
"Mahahanap din natin s'ya sir, basta dalian lang nating kumilos." Sabi ko.
Tumango ulit s'ya. "Mas maiging wala na tayong sayanging oras ngayon at maghiwalay na ng direksyon para mas mapadali."
Tinanguan ko lang din s'ya tsaka nagpatuloy na sa paglalakad pero sa ibang direksyon na para hindi s'ya makasalubong ulit. Mapipikon lang ako. Wala pa s'yang sinasabi naiinis na ako. Baka hindi ko s'ya matantsa at masagot sagutan ko.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
