CHAPTER 68: TRIO SEARCH

77 9 0
                                        

Pansin kong nakatitig lang 'yung mga estudyanteng naiwan dito sa aming dalawa, dahil siguro sa ginawa naming pananagot sa nga profs kanina, or probably because of Rune. I don't care.

Pagkatapos i-run ni Rune isa n'yang laptop at tracking device (a compact handheld device with a sleek and rugged design, specifically designed for outdoor use.) ay inumpisahan n'ya nang simulan 'yung dapat n'yang gawin habang nanonood kaming dalawa ni Xen dito sa likuran n'ya.

"This is only our hope, if you guys really can't find her." Rune said his gaze fixed on the signal strength indicator on his tracking device. The device, equipped with advanced GPS technology, had the capability to trace the location of a cellphone within a certain range.

Mabilis na tinitipa ni Rune 'yung mga keys ng keyboard para magawa 'yung tracing.

Rune activated the tracking device and initiated a scan for nearby cellphones. He focused on finding the specific signal that matched Gwyn's cellphone.

"I think Gwyn's really far away from here."

Nakatanggap naman ng kutos si Rune mula kay Xen.

"Of course you idiot, that's why we're finding her." Xen said.

Napatawa naman si Rune tsaka tumayo. "Sorry I forgot." He said then put back her laptop inside his bag.

This jerk really can't focus in this kind of situations.

"We only need this tracking device and we need to go deeper inside the forest."

"Explain?" Xen asked.

"We need to get the strength of the signal of Gwyn's phone." Rune answered. "And we can only get that when we're close to her location." He added.

"Hindi nga natin alam kung nasaan s'ya Rune. Paano natin makukuha signal n'ya?" Tanong ulit ni Xen.

"THAT'S WHY WE HAVE THIS DEVICE TO SEARCH FOR IT AND IT WILL TELL US WHERE'S GWYN'S LOCATION MR. XEN." Sarkastikong sabi ni Rune na halos marinig na ng ibang nandito.

Hindi s'ya inimikan ni Xen.

I'm tired of this guy.

"Just move your ass jerk, you're catching attentions." I said. "Move."

Agad namang tumayo si Rune tsaka inumpisahang maglakad habang kinakalikot 'yung hawak n'yang tracking device.

"This way." Xen leaded the way through the forest.

Ilang minuto pa ng paglalakad ay dama ko nang nakalayo na kami sa campsite.

Matataas 'yung mga puno rito, pati 'yung ibang damo na halatang paulit ulit nadaan ng mga tao. Mukhang binali bali rin 'yung mga sanga para sa palatandaan.

"I'm sorry Ascen."

Napatingin ako kay Xen habang naglalakad kami. "It's not your fault Xen, don't blame yourself." I said.

"Sensya na, hindi ko nabantayan si Gwyn." Nakayukong sabi n'ya.

Mahahalata rin 'yung pagkabahala sa boses n'ya.

"I said it's not your fault. Kasalanan ng mga prof 'yon for letting them do that kind of activity." I said.

"I'm a prof too Ascen."

Nga naman. "Basta wala kang kasalanan. I don't blame you for what happened so don't blame yourself too." Sabi ko.

Tsaka ginawa n'ya 'yung best n'ya that even the police noticed. Sapat na 'yon na patunay para sabihing nag aalala nga s'ya kay Gwyn.

"It's my fault." Binalik ko sa daan 'yung tingin ko. "Binilin ko s'ya sayo at binigyan ka pa ng responsibility." Sabi ko.

"Kahit hindi mo s'ya ibilin sa akin sisisihin ko parin sarili ko sa pagkawala n'ya."

Napakunot 'yung noo ko. "Why?" Takang tanong ko.

"Nakikita kong s'ya 'yung nagiging dahilan bakit may improvements ka na." He answered and smiled bitterly.

"He's right about that Ascen." Rune said. "Kahit ako gano'n 'yung gagawin. Ibilin mo man s'ya sa akin o hindi e gagawin ko rin lahat para hindi mapahamak si Gwyn knowing na s'ya nagiging dahilan ng mga pagbabago mo." Sabi pa n'ya.

Mas lalo akong nalungkot. Hindi dahil sa mga sinabi nila. Actually natutuwa ako sa mga napapansin nilang improvements ko, at sinasabing si Gwyn ang dahilan. They're right about that. Kaya lang ako nalulungkot ngayon e kasi mukhang may possibility na mawala pa s'ya sa akin.

Kung sakali ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nag uumpisa palang 'yung improvements ko at need pa ng guide at mas need pa iimprove. Pero paano ko 'yon magagawa kapag wala na s'ya?

Isa pa, mahalaga na sa akin si Gwyn, napakahalaga. Baka gumuho buong mundo ko kapag nawala s'ya. At kung sakaling hindi ko magustuhan 'yung mga susunod na mangyayari ay baka makagawa ako ng hindi kanais nais para makabawi.

Sobrang nag aalala na ako ngayon, gusto ko na ngang maluha— ngayon lang ako nakaramdam ng iba't ibang emosyon. Hindi ko alam kung bakit napapadalas na pag aalala ko sa kan'ya, samantalang kay Rune na matagal ko nang kilala e wala kong pake kahit anong mangyari sa kan'ya. Kaya n'ya namang protektahan sarili n'ya. Pero si Gwyn hindi.

Ayoko talagang may mangyaring masama sa kan'ya. Hinding hindi ko mapapatawad 'yung mga naglagay sa kan'ya sa ganitong klaseng sitwasyon.

"Got her signal."

Napatigil kami sa paglalakad tsaka lumapit kay Rune na nasa unahan naming naglalakad.

The signal strength indicator began to fluctuate.

"Do you think she's near?" Xen asked.

"No, we still need to follow her signal until it's stronger compared to now." Rune answered.

"Then we should move faster."

Agad naman naming pinagpatuloy 'yung paglalakad sa nakakainis na gubat na 'to. Para ngang pabalik balik nalang kami sa iisang lugar. Nakakahilo 'yung mga puno kasi parepareho ng itsura at taas. Hindi na rin ako magtataka kapag bigla nalang kaming maligaw dito.

Maghahapon na rin at lumalakas na 'yung hangin gawa ng mga nagtataasan mga puno. Ibang iba rin 'yung hangin dito kumpara sa polluted na hangin sa city. Maganda manirahan sa ganitong lugar kaso malayo sa syudad.

Nakakaramdam na rin ako ng konting pagkapagod, ilang oras na rin kasi kaming naghahanap. Pero kahit ilang oras pa 'yan, hi di ako hihinto sa paghahanap hangga't hindi ko nakikita si Gwyn. Pero sana naman, sana naman buhay pa s'ya. Sana kahit ilang araw na 'yung nakalipas e okay parin s'ya ngayon. Kahit sobrang labo na, ayokong mawala nalang s'ya nang basta basta. Hindi ko kakayanin 'yon, hinding hindi ko talaga makakayanan.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon