CHAPTER 89: THE LAST ACTIVITY

62 10 0
                                        

"I want every captain of each section to divide their classmates into two groups so start counting 1 and two." Prof Lenard said. "But wait." Natigil sa pagbilang 'yung mga captains. "I want you to just randomly point at your classmates." He added.

Nagpatuloy naman sa pagbibilang ng by twos 'yung mga captains namin. Two ako.

"Buti nalang pareho tayong two." Kian said.

May purpose din 'yung ginawa ng prof na pag randomly point sa amin. Hindi ko alam kung bakit pero gumaan 'yung pakiramdam ko nu'ng malaman kong two rin si Kian. Probably kasi pareho kami ng nararamdaman ngayon.

"Now that you all have your numbers." Napatingin kaming lahat sa harapan. "I'll explain the game."

Game?

Nagbulungan 'yung mga estudyanteng nandito sa biglang paglabas sa stage ng mga taong pare pareho ng suot, lahat sila naka mask.

"Isa sa kanila 'yung nag lock ng gate." Sabi ng kaklase ko.

"Something's really not right here." Kian said. "Pakiramdam ko may iba talagang mangyayari." Dagdag n'ya.

Ako rin. Tsaka sino 'tong mga 'to na nasa harap at kasama ni sir Lenard? Wala ngang ibang prof pero mero'n namang mga hindi kilalang tao.

"This game is called hide and seek."

Mas lalong lumakas 'yung bulungan nila.

"I thought it was something course related meeting? Bakit may hide and seek?" Kian confusedly asked.

"I don't know either. Pakiramdam ko may ibang binabalak 'tong prof na 'to." Sagot ko.

"Whatever that is, he's completely out of his mind." Kian said.

Tama ulit s'ya ro'n. Sinong gagong magpapagawa ng gano'ng game na wala naman sa memorandum na pinirmahan? Sira ulo ba 'to?

"Don't get excited yet. Alam kong maraming masasamang nangyari sa mga nagdaang araw sa department na 'to, kaya gusto kong bumawi ngayon." Sabi n'ya. "Here's the mechanics of our game."

The hell is that gonna do? S'ya rin lang naman may dahilan kung bakit nangyari 'yung mga crimes. Naka plan na ba lahat?

"But first, I want to ask Ms. Gwyneth Gonzales, Mr. Ascen Lucian Fuentes, and Mr. Rune Eldric Montego to stand up."

And why the fvck?

Napatingin sila sa amin pagkatapos naming tumayong tatlo.

"Good to see you here! The perfect trio that doesn't know how to respect!"

Nagbulungan ulit ang lahat. Hindi kami kumibo. Why does he need to say that in front of them?

"I want to know what numbers you are." Prof Lenard said.

Sabay sabay kaming nagtaas ng right hand leaving our two fingers straight up. Great, we're all number two.

"Oh, magkakasama pala kayong tatlo." Pansin n'ya. "How sad, mukhang mababawasan ang thrill ng game. Pero since sinusunod ko ang mechanics, okay lang. At hindi ibig sabihin no'n papatalo ako sa inyong tatlo."

Mas lumakas ang chismisan ng lahat dito sa loob.

"He's really into something." Rinig kong sabi ni Kian.

He is.

"I want you to sit down now." Naupo kaming tatlo. "Since nasa group two 'yung tatlo, lahat ng mga nasa group one ay taya. Ang mga nasa group two naman ang magtatago."

Hindi ko talaga maintindihan 'yung nangyayari. Anong binabalak ng gagong 'to?

"Marami rami bilang n'yo kaya dapat marami ring taya para mas maganda. At kaya nakabukas lahat ng buildings and classrooms dito sa uni ay dahil do'n kayo magtatago o kahit saan n'yo gusto. Kaya rin nakalock 'yung mga gates ay para walang makalabas." Paliwanag n'ya.

"Well that explains why." Kian said.

"Pero wait lang, hindi ito basta basta simpleng hide and seek game lang." Tahimik ang lahat at bahagyant nakikinig. "Kapag may nahanap 'yung isa sa mga nasa group 1 na nasa group 2, dapat ipunta n'yo agad dito sa auditorium. Kada may mahahanap, may sasabog na bomba na narito sa loob ng university." Nakakalokong sabi nito.

Nabulabog na ang lahat. 'Yung iba e napatayo na at hindi na maipinta 'yung mga mukha.

"Calm down guys, boring kasi kapag walang gano'n e." T*angina. "Pero wag kayong mag alala, hindi naman namin basta basta pasasabugin 'yung mga bomba. May puzzle kaming ipapasagot sa inyo. Pero kapag hindi n'yo nasagot, magpapasabog kami ng bomba, at mamamatay 'yung nahanap."

Bakas na ang takot sa lahat.

"At para maging fair, pati 'yung nakahanap sayo mamamatay. Kung naisip naman ng mga nasa group 1 na wag nalang maghanap para hindi mamatay sakaling hindi masolve ng mga nahanap nila 'yung puzzle na ibibigay ko..."

Nagulat ang lahat dahil biglang pinutukan ng baril sa ulo 'yung isang estudyante na nasa harap na hindi na mapakali dahil sa mga naririnig.

"Mamamatay kayong lahat."

Nagsiiyakan na ang lahat. Pati 'yung mga kaklase ko ay natataranta na. Bakas 'yung takot  at gulat sa kanila at sa nangyari. Pero pilit nilang wag marinig ng iba 'yung mga iyak nila at baka matulad sila sa nangyari sa estudyanteng pinutukan ng baril.

"Tama kutob ko, sira nga ulo ng prof na 'to." Kalmadong sabi ni Kian. "Hindi na ako magtaka kung s'ya 'yung leader ng Codex."

My eyes widened. "Alam mo 'yung Codex?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Hindi makapaniwalang tumingin s'ya sa akin. "Alam mo rin 'yon?" Tanong n'ya pabalik.

Tumango ako. "We've been digging about them." I said.

"Kaya pala pareho tayong kinukutuban." Sabi n'ya. "Nalaman ko lang kung sino sila nu'ng nangyari 'yung unang crime dito. Nabanggit sa akin nu'ng suspect 'yung Codex bago s'ya nakulong, kaya naging interested ako. Pero hindi ako nag dive ng dark web kasi hindi naman ako marunong at alam ko 'yung danger sa paggawa no'n. Pero not so long ago, nu'ng may pinakuha sa akin si sir Lenard sa faculty, nakita kong naiwan n'yang bukas 'yung pc n'ya, walang tao sa loob kaya ako lang 'yung nakakita no'n. It says Codex, at may kung ano anong illegal na nakalagay do'n. Do'n na rin ako nag umpisang kutuban sa kan'ya at inisip na may kinalaman s'ya sa nangyaring crime. S'ya rin ata 'yung nanulsol sa suspect." Mahabang paliwanag ni Kian.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. All the time aware din pala s'ya sa kagaguhan ng prof na 'to.

"Gusto ko pang may malaman about sa kan'ya, pero hindi ko naman inaasahang malalagay ko sa panganib buhay ko kahit hindi naman ako pumasok sa dark web."

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon