Malas naman ng kamay ni sir Lenard at nabunot 'yung pangalan ko. Imbes na wala na akong iintindihing project sa midterm namin e. Duga talaga. Tsaka poproblemahin ko pa 'yung mga dadalhin ko. Ni isa nga ata sa mga sinabi ni sir wala ako e. Sama ng loob lang ata madadala ko.
Bukas na kami aalis. 3 nights 4 days. Tapos friday ng hapon ang balik dito.
Papunta ako ngayon sa Xanthe, nag message kasi kanina si Rune na need ko raw pumunta ro'n pag tapos ng klase ko sa hapon.
Nadatnan ko naman si Rune sa taas. Mag isa n'ya lang na nakaupo sa isa sa mga sofa na narito.
"Mukhang wala ka sa sarili a." Pansin nito.
Naupo naman ako. "Ewan, ganito naman ako araw araw." Sumandal ako tsaka inirest 'yung ulo ko at tinakpan ng hawak kong panyo 'yung mukha ko.
Nakakailang kapag makikita n'ya itsura ko ngayon kahit wala namang pinagkaiba sa mga normal kong araw. Pero napipikon kasi talaga ako, kainis na camp 'yan.
"Pwede bang ipatong paa ko sa mesa." Sabi ko.
Hindi naman babasagin 'yung mesa na narito, kahoy s'ya e.
"Sige lang." Natatawang sabi n'ya.
Kumakapal na ata pagmumukha ko.
"Okay ka lang ba talaga Gwyn?" Tanong ulit ni Rune.
"Oo." Simpleng sagot ko.
"Parang hindi e."
"Hindi ko rin alam."
"Sure ka?"
"Oo nga, bitin kita patiwarik e."
Nagulat naman ako ng bigla s'yang tumawa.
Napatanggal ako sa panyo na nakatakip sa mukha ko. "B-bakit?" Utal kong tanong.
Umiling iling s'ya. "Wala wala, natutuwa lang ako kasi komportale ka na talaga." Tumatawang sagot n'ya.
Binalik ko 'yung panyo sa mukha ko at inirest ulit 'yung ulo ko sa sofa. "Sorry, hindi ko naman gagawin 'yon by the way." Bawi ko.
Tumatawa parin s'ya. "Wag kang mag sorry, pag nandito si Ascen matatawa rin 'yon." Sabi n'ya. "Tsaka good news sa amin 'yung komportale ka na, looking forward sa mga susunod mo pang pambabanta."
Ewan ko sayo d'yan. Pero oo, unti unti ko na talagang nabubuo sarili ko habang kasama sila. Konti pa baka madala ko na sa tabi nila 'yung 'ako' kapag kasama si kuya.
"Oo nga pala Rune."
"Ano 'yon?" Tanong n'ya sa akin.
Nakapikit parin ako habang takip takip ang buong mukha gamit 'yung panyo. "Nasaan si Ascen?"
Walang sumagot. Pero hindi naman ako nag abalang tignan kung bakit.
"I'm here."
Agad akong napatanggal ng panyo sa mukha at napaayos sa pagkakaupo.
Nakatayo s'ya ngayon sa gilid ng sofang inuupuan ko at nakatitig sa akin.
Nakapolo sleeve s'ya ngayon na nakatupi hanggang siko, tsaka nakasuot nanaman ng neck tie. Pogi.
"Kanina ka pa ba d'yan..." Mahinang sabi ko.
Ngumiti s'ya na parang ngumingisi rin. "Nope." Sagot n'ya tsaka naglakad sa pagitan namin ni Rune. "Pero narinig kong hinahanap mo ako."
Sasabog na ulit ako sa hiya ngayon. Ang pangit naman ng timing n'ya.
"Pag hindi mo tinigil pagtawa mo Rune gagawin ko talaga sayo 'yung sinabi ko kanina."
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Детектив / Триллер"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
