CHAPTER 57: DAY 2

74 11 0
                                        

"JAVA."

Malakas kong sabi pagkatayo.

Lahat sila napatigil sa kanilang mga ginagawa at napatingin sa akin. Hell.

Kalma Gwyn, tao lang din sila—ayoko sa ibang tao. At ngayon nasa akin pa lahat ng atensyon nila.

"Very good miss?"

"Gonzales." Sagot ko, nakatayo parin.

"Good job miss Gonzales." Sabi ng isang prof. "Anong year and from what course?" Tanong n'ya.

"Cryptography and Network Security, 2nd year." Sagot ko.

"Ah, kaya naman pala madaling na decrypt 'yung sagot." Sabi n'ya. "Ibibigay ko sa prof mo 'yung price and ibibigay nalang sayo pag tapos na 'yung camping natin."

Tumango lang ako.

"Who's your adviser by the way?" He asked.

"Sir Lenard." Sagot ko ulit.

"Oh, mukhang may magaling ka sa RSA Algorithm na student." Pamumuri ng prof na 'yon habang nakaharap kay sir Lenard.

Napatawa naman si sir Lenard dahil do'n. "Oo nga e, tsaka alam mo bang s'ya rin 'yung nag decrypt nu'ng encrypted file sa laptop ni Philip na nag lead sa suspect?"

Who the f told him about that. Probably the police. Pero bakit kinakailangan pa n'yang sabihin dito, sa harap ng iba. It's not a flex.

"Ay s'ya ba 'yon? Kaya naman pala eh!" Nabibilib na sabi nung isang prof.

Nagbulungan na rin 'yung ibang nandito pero hindi ko matukoy kung nabibilib ba o ano. Gusto kong magwala.

"Balita kong sobrang laki ng mga numbers na nakalagay sa file ni Philip, kaya talagang madali nalang para sa kan'ya 'yung ginawa nating encryption." Pagyayabang pa ni sir Lenard.

Hindi ba s'ya titigil.

"Mukhang magaling pala 'tong estudyante mo e." Pamumuri parin nila sa akin. "Pwede ka nang maupo iha."

Sinasabi n'ya palang 'yon ay naupo na ako at diniretso 'yung tingin sa screen ng laptop ko para matigil na 'yung mga titig nila sa akin.

Napaka uncomfortable. Sana pala hindi ko nalang sinagot 'yon at hinintay silang matapos para sila na gumawa at hindi ako. Para hindi ko na naagaw 'yung mga atensyon nila.

Nakakainis din si sir Lenard at kailangan n'ya pang sabihin 'yon sa harap ng iba. It's not something I should be proud of. Kung may part do'n 'yung dapat kong ikasiya ay 'yung pagpapalaya namin kay Ascen at hindi 'yung pag decrypt sa file mismo. Isa pa hindi rin ako sanay na tinitignan ng ibang tao. Lalo na't ang dami nila rito. Hindi talaga mawawala sa isip ko 'yung thought na baka kung ano ano nang panghuhusga 'yung nasa utak nila.

Napabuntong hininga ako.

fw

"Alright, magsibalikan na kayo sa mga tent n'yo at magsitulog na." Sabi ng prof. "Bukas dapat maaga kayong magising kasi bandang 9 ay may activity ulit tayong gagawin na mas maganda kesa sa ginawa natin kanina." Dagdag n'ya. "So rest guys, let's have a good night."

Pagkasabi n'ya no'n ay agad kaming tumayo at naglakad papunta sa mga tent namin.

10 pm na rin at ang dami pa nilang dinada bago nila naisip na patulugin kami. Tapos iniexpect nila kaming magising ng maaga bukas. Pero baka okay lang sa iba kapag sanay na talaga sila sa puyatan. Hindi ako. Tsaka ayoko nang maulit 'yung nangyari nu'ng nakaraan na hinimatay ako. Nakakahiya.

"Mukhang hindi ka sanay na nagiging center of attention."

I chuckled awkwardly. "I do." Sang ayon ko sa kay sir Xen tsaka ipinasok sa loob 'yung dala kong laptop at cellphone.

"Pero okay ka na?" Tanong n'ya.

Hindi siguradong tumango ako. "Siguro." Sagot ko.

"Para kang si Ascen pero s'ya walang pake kahit maging center of attention s'ya." Sabi n'ya.

"Kumpara kay Ascen talagang magiging center of attention s'ya kesa sa akin, at isang dahilan 'yon para masanay s'ya." Sabi ko naman. "Sadyang halata lang na hindi s'ya interested sa iba." Dagdag ko.

Napatawa ng marahan si sir Xen. "Tama ka d'yan, kaya ikaw Gwyn, hayaan mo na 'yon. And good job, may future ka sa algorithms."

Nginitian ko si sir Xen. "Thank you sir Xen."

Patuloy parin s'ya sa pagtawa. "Welcome and good night."

Tinanguan ko s'ya at tsaka tuluyan nang pumasok sa loob ng tent at isinara 'yon sa loob.

Nakakapagod. Inaantok na rin ako.

fw

"Gwyn!"

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa naririnig kong pagtawag ng pangalan ko.

Dahan dahan kong iminulat 'yung mga mata ko. Tsaka bumangon. Sakit sa likuran. Hindi sanay 'yung likod ko pag hindi foam 'yung hinihigahan ko.

"Gising ka na?" Tanong ni sir Xen mula sa labas.

"Oo." Sagot ko.

"Good." Sabi n'ya. "Labas ka na d'yan at makipila sa banyo at maligo bago mag almusal." Bilin n'ya.

"Sige po."

Kinusot kusot ko 'yung mga mata ko. Tsaka binuksan 'yung dala kong backpack at kumuha ng pagpapalitan. Tsaka lumabas na ng tent.

Napatingin ako sa relo ko. 7 am.

May mga nakaligo na at kumakain ng almusal sa mga mesang gawa sa kahoy na narito sa site. Maikli na rin 'yung pilahan sa cr ng boys and girls. At para hindi na ako mainip pa ay dumiretso na ako ro'n at nakipila.

At makaraan pa ang ilang minuto ng pag iintay ay nakapasok na ako sa banyo at agad ding naligo kasi may nakapila pa sa likuran ko kanina.

Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako dala dala 'yung mga ginamit ko sa pagligo. Hindi rin basa 'yung mga damit ko kasi hubad talaga akong naligo.

Pagkabalik naman sa loob ng tent ay inayos ko 'yung mga pinagpalitan ko at nagsuot ng sapatapos tapos sinuklayan 'yung basa kong buhok. Tsaka nilagyan ng towel 'yung likuran ko para hindi mabasa ng buhok ko o matuyuan ng pawis mamaya.

"Gather around here guys."

Napatingin ako sa nagsalita no'n. Nakabihis na rin kasi ang lahat at ako ay kumakain palang kasama 'yung iba pang nahuli.

"Maaga kaming nagising ng mga prof n'yo para i-ready 'yung next na activity which is maghapon n'yo gagawin." Panimula n'ya.

Anong activity naman 'yon at kinakailangang maghapon?

"May kinalat kaming boxes sa loob ng gubat sa kaliwang bahagi ng site na 'to. At sa loob ng mga boxes na 'yon ay may mga charms na makukuha n'yo kapag nasolve n'yo 'yung puzzle na nasa device na nakakabit do'n. Isang attempt lang per box para mabuksan kaya kailangan n'yong mag ingat sa isasagot n'yo. There are 42 students and there are 100 boxes inside the forest."

How tf did they managed to have boxes with devices that many.

"Nakipag connect kami sa isang company para sa activity na 'to." Sabi ng prof.

Ah, that's why.

"Paramihan lang kayo ng makukuhang charms sa loob ng forest. And don't worry, safe ang gubat at walang nagkalat na kahit anong wild species. Individual din ang activity. Paunahan at paramihan lang talaga." Sabi n'ya pa. "May mga naka lunchbox na baon dito kasi pagsapit ng 12 kan'ya kan'yang kain na sa kinalalagyan n'yo. 9-4 pm ang activity kaya take your time."

"At pag nakita n'yo 'yung ilog e ibig sabihin dead end na at kailangan n'yo ulit bumalik sa gubat para maghanap. Wag na wag kayong lalayo kapag nakita n'yo na 'yung ilog kasi baka maligaw kayo. Idala n'yo rin mga phones n'yo at mga wallet, wag din kayong mag alala kasi may maiiwan na profs sa campsite at magbabantay ng tents n'yo. WAG NA WAG KAYONG LALAYO MAY NILAGAY DIN KAMING STRINGS, SINISIMBOLO NA LIMIT NA. Walang signal sa loob ng gubat kaya please, wag na wag lalayo."

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon