Pagkapark ni Rune ng motor n'ya sa parking lot ng school namin ay agad kaming dumiretso sa labas ng crime scene kasi natatanaw na namin sila mula ro'n sa gate palang.
"Let's go." Aya ni Rune.
Nagmadali kaming naglakad na dalawa hanggang sa paunti unti na naming nakikita kung sino 'yung mga naro'n parin ngayon.
Nakita kong nando'n 'yung mga professors ng Computer Science, 'yung mga kasama sa crime scene kanina na pinaiwan din, at ilang mga pulis.
"Him, ask him too sir." Halos magalit nang sabi ni sir Xen sa pulis habang tinuturo si Rune na kararating lang.
"What is it?" Rune asked.
"Is it true that you and sir Xen is with this guy until the morning inside the faculty room?" Tanong nu'ng pulis.
"Yep officer. And if hindi ka po panatag, you can check the CCTV footage inside the faculty room." Rune answered.
"That's the problem, the CCTV footage don't have a footage of the three of you at 8 to 10 am."
Parehong kumunot 'yung mga noo namin. How the f*ck?
"Then you're just going to believe the CCTV's system and not us? Tsaka pati ba guro inaakusahan n'yong sinungaling?" Galit na tanong ni Rune.
"Calm down mr., wala kaming magagawa kung hindi paniwalaan 'yung nakikita ng mga mata namin kesa 'yung mga naririnig ng tenga namin." Sabi nu'ng pulis.
"Well that's dumb." Rune said. "So you're saying that the three of us are lying now?"
Tumango 'yung police officer. "Kasama rin kayo sa mga iimbestigahan. Pero magfofocus muna kami sa lalaking 'to." Tukoy n'ya kay Ascen na ngayo'y nakapamulsa at kalmadong nakatingin sa pulis na s'yang nagsasalita.
"He's innocent." Rune said. "Hindi nga namin kaano ano 'yung namatay, hindi porket nakita n'yo s'yang pumasok sa library at ginalaw 'yung laptop ng victim e s'ya na 'yung pumatay." Sabi pa ni Rune.
"Ayon nga, hindi n'ya kaano ano 'yung biktima tapos ginalaw n'ya 'yung laptop n'ya? Du'n palang wala na s'yang takas."
Kumunot 'yung noo ko sa biglang pagsabat nu'ng adviser namin na si sir Lenard.
"He just copied a file that can help us find the suspect, y'all dumb for saying he's the one who killed the victim." Galit na galit na si Rune sa tono ng pananalita n'ya.
"You can't just talk to me like that." Seryosong sabi ni sir Lenard.
Napathimik naman si Rune dahil do'n.
"Chineck namin 'yung file na sinasabi n'yo sa laptop pero wala, as a Cryptography and Network Security professor, I can tell that this boy deleted all the victim's chat logs and informations shared with him inside his laptop that's why he's seen on the footage."
Hindi ko alam kung bakit pero parang iba 'yung tono ng pananalita ng adviser namin ngayon. Parang hindi s'ya 'yung kadalasang nakakausap ko sa faculty at sa room namin. Nakangisi s'ya ngayon na parang masaya pa kasi naakusahan n'ya ng krimen si Ascen. Hindi ko alam kung bakit sa mga oras na 'to, ang uncomfortable n'ya para sa akin.
"That's not true sir, magkakasama talaga kaming tatlo nila sir Xen kanina pang umaga, kung paniniwalaan n'yo 'yung na-hack na CCTV, e para na rin kayong naniwala sa pinakasinungaling na tao." Rune angrily said.
"So sinasabi mong ako 'yung pinakasinungaling na tao?" Nakangising tanong ni sir Lenard.
"So sinasabi n'yo rin pong kayo nagpakita sa CCTV footage both sa faculty at sa library?" Nakangisi ringtanong pabalik ni Rune.
Hindi agad nakasagot si sir Lenard.
"Yes, as a computer science professor, and a subject teacher of the victim, I want to help that's why I checked the CCTV footages and gave it to the police." Sagot n'ya.
"Well sir, do you mind if I see the footages? Sa Computer lab mismo?" Parang nanghahamon na tanong ni Rune.
Pumangit naman 'yung reaksyon ni sir Lenard. "Nandito sa tablet ko, you can just see it here." He said.
"No sir, I want to see it in the computer lab." Rune.
"Ang kapal naman ng mukha mong mangpilit sa isang gurong katulad ko? Wala ka bang respeto?" Napalitan ng galit 'yung tono ng pananalita nu'ng prof.
"Bakit sir? Natatakot ka po bang may malaman ako?"
Sir Lenard awkwardly laughed. "Anong may malalaman? Bakit? May sama ba ako ng loob sa inyo ng kaibigan mo kaya ko nagawang ibahin 'yung footage at pagbintangan s'yang pumatay e hindi ko pa naman kayo kilalang dalawa kahit na nasa computer science din kayo?"
Nakangisi parin si Rune. "Ayon na nga sir, hindi n'yo kami kilala, pero bakit parang pinagdidiinan n'yo pang 'yung kaibigan ko gumawa ng krimen?" Tanong pabalik ni Rune.
"Hindi mo ba naiintindihan? Guro ako rito at estudyante ko si Philip, responsibility ko na tulungan s'ya at mabigyan ng hustisya." Bumalik 'yung pagiging superior sa tono ni sir.
"Kung gano'n sir, pwede n'yo na ba akong hayaan na pumunta sa computer lab at i-check 'yung footages?" Nanghahamon ulit na tanong ni Rune.
Bumalik 'yung galit sa mukha ni sir.
Nag uumpisa na rin akong magtaka kung bakit s'ya 'yung nandidiin na si Ascen 'yung kriminal imbes na 'yung adviser mismo nu'ng estudyanteng namatay. Hindi rin ako makapaniwala kung bakit bigla bigla nalang nagiging ganito si sir. Kahit na hindi ko pa s'ya masyado nakakasama kasi kakaumpisa palang ng first sem e ang alam ko talaga'y mabait at tahimik lang s'yang guro. Pero bakit ganito?
"Bakit hindi ka makasagot sir? May tinatago ka ba?" Hindi parin nagbabago 'yung tono ng pananalita ni Rune.
"Wala akong tiwala sayo, isa kang Computer Science student baka may kung ano kang gawin do'n sa computer lab para hindi namin akusahan kaibigan mo." Palusot ni sir.
Hindi ko na alam kung tuwid pa ba mga pinagsasasabi n'ya, naguumpisa na rin talaga akong magduda.
"Diba kanina n'yo pa po sinasabing isa kayong professor ng Computer Science? Bakit parang natatakot po kayo sa isang estudyante lang? Kung ayaw n'yo po akong papuntahin sa computer lab, para n'yo na rin pong tinanggap na mas may alam ako sa computers kesa sa inyo na Professor." Nakangising hamon ni Rune.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
