"Gwyn! Gising na hoy."
Naalimpungatan ako dahil sa mga malalakas na pagkatok mula sa labas ng silid ko.
Sh*t.
Dali dali akong tumayo sa upuan kasi nakatulog ako sa mesa kung saan ginagawa ko 'yung decryption. Nakakainis.
Napatingin ako sa relo ko. 5 am.
Siguro mga nasa dalawang oras lang 'yung naging tulog ko, huli kong tingin ng relo ko bago ako nakatulog e alas tres na.
"Gwyn!" Sigaw ni kuya mula sa labas.
"Gising na!" Sigaw ko pabalik.
Kinuha ko 'yung towel ko tsaka damit na pagbibihisan at tumungo na sa banyo na narito sa taas. Tsaka pagkatapos ay nagpatuyo na rin ng buhok at nag ayos sa harap ng salamin. Bago napagpasyahang bumaba na ng hagdan tungo sa kusina.
"Pungay nanaman mata mo a, anong mero'n?" Tanong ni kuya pagkaupo ko.
"Natulog ako, late lang." Sagot ko. "May kinacalculate lang ako na inabot ng ilang oras." Dagdag ko pa.
"Pero natapos mo ba?" Tanong n'ya ulit.
"Ayon nga, hindi kasi natulugan ko na." Sagot ko nanaman.
"Oh paano 'yan." Nababahalang sabi ni kuya.
"Gagawin ko nalang siguro kapag may vacant mamaya, may 3 days naman akong nakalaan para gawin 'yon pero mas maigi pag matapos ko agad." Paliwanag ko.
"Sige basta ba wag mo pababayaan sarili mo, these previous weeks parang nababago routine mo e." Pansin ni kuya.
Tumahimik ako saglit habang nakain. "Lahat naman nagbabago kuya, kasi hindi lahat ng nangyayari parepareho."
Pero, halata na ba talaga?
Pansin ko rin na masyado na akong occupied ng kung ano ano mula nu'ng mga nakaraang araw pa. Pero wala naman akong magagawa, tsaka isa pa, nasimulan ko nang pasukin, wala nang dahilan pa para umatras ako.
"Basta wag pababayaan ang sarili nak." Sabi naman ni mama na ikinatango ko.
Ilang minutong pagkain pa ay natapos na rin ako tsaka bumalik sa silid ko. Inayos ko 'yung mga ginamit ko kagabi tsaka sinilid sa bag ko. Susubukan kong ituloy 'yung decryption mamaya kung may vacant. Wala rin dapat akong sayanging oras para mapalaya na agad si Ascen.
Pagkababa ko ay nagsabay na kami ni kuya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa school. Hindi rin ako masyadong umimik habang naglalakad kaming dalawa tsaka binilisang maglakad.
At nu'ng nakarating na kami sa school ay naghiwalay na kami ng daan tsaka ako dumiretso sa taas.
Hanggang ngayon may kordon parin 'yung crime scene kasi hindi pa tapos 'yung kaso. Naririnig ko parin 'yung mga usap usapan tungkol sa nangyari. Siguro ay dahil 'yun 'yung unang beses na may nangyaring gano'n dito sa university.
"Okay ka lang Gwyn?" Tanong ni Kian pagkaupo ko sa tabi n'ya.
Tumango ako. "Ikaw?" Tanong ko pabalik.
"Okay lang din." Sagot n'ya naman. "Sorry nadamay ka rin kahapon." Sabi n'ya.
"Okay lang pareho naman tayong inosente." Sabi ko.
Tumahimik s'ya saglit. "Pero sa tingin mo mahahanap pa 'yung pumatay?" Takang tanong n'ya.
Nag kibit balikat lang ako. "Pero sana nga mahanap."
Tsaka 'yun lang din 'yung paraan para makalaya nang tuluyan si Ascen at mapatunayang inosente nga s'ya.
fw
Lumipas pa ang ilang mga oras at natapos na 'yung kalahating araw ng klase namin. Nag chat din 'yung mga guro namin para sa pang hapon na subjects na hindi sila makakapasok kasi may meeting daw 'yung mga profs sa department nila.
Pwede ko nang ituloy 'yung decryption.
Bigla naman akong napatigil sa paglalakad palabas ng gate ng school. Tsaka napatingin sa relo ko.
1 pm
Naalala ko 'yung usapan nila Rune at sir Lenard kahapon. Magkikita nga pala sila sa computer lab.
Tumalikod ako tsaka tinahak 'yung daan papunta ro'n. Gusto kong masaksihan kung gagana nga ba 'yung plano nila sir Xen. Pero sana naman oo.
Pagkarating ko ro'n e nadatnan ko na 'yung naga-assist ng computer lab, si sir Lenard, isang pulis na s'yang kausap namin kahapon, si Rune at sir Xen.
"Itatanong ko lang po sana ulit officer kung saan n'yo po unang nakita 'yung footage, kung dito po ba mismo sa computer lab?" Tanong ni Rune sa pulis.
"Sa tablet ni sir Lenard iho." Sagot naman nu'ng pulis.
"Tapos po naniwala agad kayo?"
"Bastos kang bata ka ha? Alangan namang isipin nilang nagsisinungaling akong guro?" Sabat ni sir Lenard.
"Guro rin naman po si sir Xen pero sinabihan din s'ya ng sinungaling diba? Pati nga ikaw sinabi 'yon kahapon sir." Pananagot naman ni Rune.
"Eh s'yempre talaga namang aakusahan silang sinungaling kasi wala sila sa footage ng CCTV." Sabi ni sir Lenard.
"Okay po sabi n'yo e." Sarkastikong sabi ni Rune.
"Wag ka na ngang maraming dada d'yan at patunayan mong na-hack 'yung CCTV." Utos ni sir Lenard.
"Sige po." Sabi ni Rune. "Pero pwede po bang ipakita n'yo ulit 'yung footage na nasa tablet n'yo? 'Yung kinopya n'yo mismo rito?" Tanong ko.
Nilabas naman ni sir Lenard 'yung tablet n'ya tsaka saglit na pinindot pindot tapos plinay 'yung video.
Pagkatapos naman no'n ay tinipa ni Rune 'yung keyboard ng computer dito sa com lab tsaka may pinindot na footage do'n. Sumiring ako para mabasa 'yung data na nakalagay sa baba.
Friday, June 16, 2023
8 am"Paano n'yo po 'to mapapaliwanag? Bakit po magkapareho 'yung kinopya n'yo sa footage nu'ng last friday? 'Yung data lang ang naiba?" Bumalik nanaman 'yung parang nanghahamon na tono ni Rune.
Nag umpisa kaming magtaka lahat dito. Magkaparehong magkapareho nga. Pero paano nangyari 'yon?
"Baka isipin n'yong may ginalaw ako rito sa computers e ngayon lang ako pumasok dito." Sabi ni Rune.
Hindi nakaimik si Prof Lenard.
"Kung na-hack nga 'yung CCTV, saan 'yung real footage kahapon sa oras ng 8 am to 9 am?" Tanong nu'ng officer.
Hindi naman sumagot si Rune at tsaka patuloy na kinalikot 'yung keyboard ng computer. Bilang lang 'yung mga pag click n'ya, mula sa pag click ng folder tsaka ng isang file na nasa ibabaw mismo ng storage. Pagkaclick n'ya no'n ay may isang footage na nag play at data kahapon 'yung nakalagay sa ibaba na may oras na 8 am.
Nanlaki 'yung mga mata namin.
"Baka po nakalimutan n'yo na rin kung anong suot namin kahapong tatlo nila sir Xen?" Tanong ni Rune sa pulis at kay sir Lenard.
"Nahack nga." Sabi nu'ng pulis. "Isasama namin 'yan sa iimbestigahan." Sabi nu'ng pulis.
Gumaan 'yung pakiramdam ko dahil do'n.
"Pero officer wag n'yo pang palayain sa detention 'yung kaibigan nila, hindi pa sapat 'tong CCTV footage na 'to. Hindi porket hindi s'ya 'yung pumatay e hindi na s'ya sangkot sa kaso kasi baka may kinalaman s'ya sa pagpatay sa biktima kaya n'ya ginalaw 'yung laptop no'n."
Napamura ako ng pabulong sa sinabi ni sir Lenard.
"Masusunod sir. Iimbestigahan parin namin s'ya." Sabi naman nu'ng pulis.
![](https://img.wattpad.com/cover/344311844-288-k591399.jpg)
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / ThrillerThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...