4 pm na. Pagod na pagod na rin ako sa ginagawa kong paglilibot dito sa gubat. Paubos na rin 'yung laman ng plastic bottle na dala ko at ayokong mauhaw ako rito. Pero dalawang oras nalang naman at matatapos na 'yung activity. Sufferings na ata 'to e.
And by the way, naka 18 charms na ako. Marami na rin kasi akong nadaanang boxes at pinili ko talaga 'yung madadali para nga ay hindi ako mahirapan.
Karamihan talaga ay mga riddles lang. Tapos may basic algorithm puzzles din akong nasolve kanina na hindi naman inabot ng ilang mga minutes kasi nga madali lang. And may goal din ako, kailangan benteng charms 'yung makolekta ko tapos pag bente na, hihintayin ko nalang mag 6 pm para may time pa akong magpahinga rito at mag intay din ng susundo.
Nanghihina na 'yung tuhod ko. Tsaka sure ako kinabukasan baka mahirapan na akong bumangon kasi hindi sanay katawan ko sa mahabang lakaran at pagod. Pero sana naman hindi.
Sobrang lilim na at ang ginaw gawa ng hangin. Sana pala nagdala ako ng hoodie para hindi ako nanginginig ngayon dito—another box.
Agad kong nilapitan 'yung box na nakita ko na nasa ibaba ng puno. Hindi ko rin muna hinawakan 'yon kung hindi ay naupo para mabasa 'yung puzzle at malaman kung anong klase ito.
6, 8, 3, 1, 9
Now, what the hell should I do with these numbers. Kailangan ko ba 'tong iarrange from lowest to highest amount? Kung may algorithm na compatible sa pag arrange ng pagano'n ay Bubble Sort 'yung tawag. And kahit hindi mo naman na s'ya iiterate pa e makukuha mo na, tsaka magsasayang ka lang ng oras kapag ginawa mo pa 'yon. Depende kung nasa pagsagot ng quiz ako ngayon at kinakailangang ipakita 'yung ginawa para makuha 'yung sagot.
Pero sa case ko ngayon, iaarrange ko nalang talaga s'ya from lowest to highest.
So the answer might be, 1, 3, 6, 8, 9.
And it opened. Eto na pinakamadali na puzzle, para ka lang nag sosolve ng pag grade 1 na problem.
Tumayo ako tsaka ipinagpatuloy 'yung paglalakad. Last one. Makakapagpahinga na rin ako sa wakas. Kaya dapat madali na lang din 'yung huli kong makikitang box para hindi na ako maghanap pa nang maghanap.
Patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko na rin alam kung pabalik balik nalang ba ako. Tsaka hindi ko pa naman napupuntahan 'yung dead end na tinutukoy nung prof kanina, o kaya 'yung mga nilagay nilang string.
Pero paano kung wala talaga silang nilagay at naliligaw na ako ngayon?
No, sana naman hindi. Kahit malakas loob ko e may takot parin naman ako at ayokong nag iisa 'no. (Depende sa sitwasyon.) Pero kahit may makasalubong naman ako rito hindi ko parin lalapitan. Bahala sila.
Inilibot libot ko 'yung paningin ko. Pagod na rin kasi talaga akong maglakad pa. Baka himatayin na ako rito, pero sana naman wag. Pag walang nakakita sa akin e baka mamaya naaagnas na ako rito.
Hanggang sa mabilis akong nagtago sa isang puno dahil sa narinig ko at nakita ko mula sa hindi kalayuan.
Kung tama ako e 'yung babaeng katabi ko 'yon kahapon sa bus. Hindi ko lang matandaan 'yung pangalan. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ngayon e 'yung nangyayari sa kinalalagyan nila.
May kasama s'ya, pero hindi sila nagtutulungan o ano. Kung hindi ay nag aaway.
Kung pakikinggan e parang nagtatalo sila sa kung sino ba talaga 'yung nauna sa box na nakalapag sa ibaba ng punong nasa tabi lang nila. Gusto kong balewalahin lang pero talagang galit na galit na silang pareho. Nakakainis lang sila panoorin kasi sinong mag aaksaya ng oras para pagtalunan 'yung gan'yan. Bakit? Wala na bang natitirang boxes dito sa gubat?
Tumalikod nalang ako at hindi sila pinansin. Wala rin akong balak umawat. Bahala sila, baka madamay lang din ako e. Tsaka focus ako sa goal ko ngayon. Last na e.
At ilang minuto pang paglalakad ay nakahanap na ulit ako ng isang box. Last na 'to, ayoko na.
Inangat ko 'yung box tsaka paupong sumandal ulit sa puno at nilagay 'yon sa lap ko. Kung sakaling madali lang 'to at matapos ko agad, dito nalang ako mamamalagi para pag may naka detect sa mga profs ay mahanap na rin ako at maibalik sa site.
Tiningan ko 'yung tablet. Looks like a riddle again. Una ko rin kasing nakita agad 'yung 'What am I' sa dulo. Ayos 'to, swerte ako ngayon kasi madali nanaman 'yung napunta sa akin.
Aight, I'm going to read it and finish this damn charm hunting.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga.
"In shadows deep, their actions concealed,
A web of darkness, they're known to wield."
My brows arched and paused. I think it's not a computer science related riddle. And for some unknown reason, I feel bad.
"Espionage and child trafficking, etcetera they pursue,
Their name unknown, their secrets askew."
Napasinghap ako.
"What am I?"
This is wrong. May mali sa puzzle na 'to. Hindi ko alam kung ano, pero malakas 'yung kutob ko. Parang narinig ko na 'to somewhere pero hindi ko lang marecall kung saan.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Sana mali lang 'yung kutob ko.
"Another reason, Gwyn, is that last year, there was an organization that gained popularity on the dark web, but no one knows who they are. They are known for crimes such as human trafficking, cyber espionage, black market operations, financial manipulation, and various others. Both Ascen and I want to uncover their identities, even though it puts our lives at risk."
Agad akong napatayo at naibagsak 'yung box.
Sana coincidence lang. Sana something computer science related 'to at hindi 'yon.
Napalunok ako at tsaka yumuko para pulutin 'yung box.
Bahala na.
Nanginginig kong tinype 'yung pangalan ng organization. Isa isa kong pinindot 'yung letters ng dahan dahan.
"C...O...D...E...." I heaved a very deep sigh hoping this is not the answer of the riddle. "X."
Agad kong nabitawan ulit 'yung box sa biglang pag unlock nito.
NO.
SOMETHING IS WRONG HERE.
This is not a coincidence and I'm sure of that. Teachers ang may gawa ng mga riddles na 'to, kung gano'n, isa ba sa kanila 'yung miyembro ng Codex? Pero gago, kung oo nga, delikado lagay ko ngayon kung sakaling malaman nilang nasagutan ko 'yung riddle.
Natatarantang tumakbo ako palayo ro'n. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay may nakaagaw ng atensyon ko kaya ako napahinto.
May sumigaw.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
