"Kainis na Codex 'yan, pagpipira-pirasuhin ko 'yan pag nalaman ko kung sino s'ya." Inis na sabi ni Rune tsaka bumalik sa pagkakaupo sa sofa.
Ganon din si Ascen na katatapos lang patayin 'yung computer n'ya.
"Don't expect too much. Hindi naman pweding gano'n nalang natin kadaling mapapasok 'yun." Ascen said.
At oo, nabigo kaming pasukin 'yung pinaka-core ng Codex. Isa lang 'yung attempt sa password at kailangan mo ulit mag umpisa sa pinaka surface ng page. Nalaman ko rin na naro'n din daw 'yung key para mabuksan 'yung phone ko kasi sila lang daw may kayang gumawa no'n. Kung sakaling mapasok man nila, ilu-lure daw nila agad 'yung mga masamang gawain ng organization na 'yon, hindi lang 'yung pagbalik sa mga nilalaman ng phone ko.
"Oo alam ko." Rune said. "Nakakapikon lang na need pa nating ulit ulitin para lang mabuksan 'yon." Reklamo n'ya.
"Well, that's dark web." Ascen said while on his phone.
"Nabanggit mo kanina na 'yung X lang 'yung makakatulong sa atin."
"No, I didn't said that we need his help, we just need to know who he is and hack him to get all his information including the clue." Ascen said.
"Pareho lang 'yon." Pagpupumilit ni Rune.
"It's not."
"Bahala ka d'yan." Pasukong sabi ni Rune. "And oh by the way Gwyn, former member ng organization na Codex si X. Naging leader din s'ya no'n kaya nga Code-X 'yung name ng organization nila. Kaso nagkaproblema sila ro'n nu'ng malaman nilang may koneksyon sa mga pulis si X and nagkaro'n sila ng fear na baka isumbong sila if ever na magtalo talo silang lahat." Pagkukwento ni Rune.
"Huh? Kung former nga s'ya, ibig sabihin pinaalis s'ya mismo ro'n? Tsaka sabi mo naging leader din s'ya, hindi ba mas malaki 'yung chance na magsumbong s'ya sa mga pulis kung sakaling pinaalis nga s'ya ro'n?" Takang tanong ko.
"Hindi magagawang magsumbong ni X." Nabaling kay Ascen 'yung atensyon namin. "Kasi in the first place s'ya 'yung gumawa ng organization na 'yon, kaya pati s'ya masasama sa mga mahuhuli kung sakaling magsumbong nga s'ya." Paliwanag n'ya.
Sa bagay, pero kung gusto n'ya talagang ma-lure 'yung mga 'yon, magti-take s'ya ng risk.
"Pero ang ikinaganda no'n, nagsabi si X na kaya n'yang ibigay 'yung clue sa password sa mga gustong mag lure ng Codex basta makilala nila kung sino s'ya." Sabi naman ni Rune. "Hindi rin namin alam kung papaano namin s'ya hahanapin, sinubukan ko na ring magbasa basa sa mga chatrooms kung may makukuha akong details about sa kan'ya kaso wala." Dagdag pa n'ya.
"Sa mga nakakaalam, malabong basta basta nalang nilang sabihin kung sino s'ya. Lalo't lahat ng mga tao sa dark web e pare-pareho ng layunin, mas marami paring takot na ilabas 'yung tunay na anyo ng Codex kesa sa pag sangkot sa mga krimen do'n." Paliwanag ulit ni Ascen. "Tsaka hindi na rin napalitan ng current leader ng Codex 'yung password kasi nakay X, at s'ya mismo 'yung umalis do'n."
Kaya naman pala, akala ko pinaalis s'ya mismo ng mga members do'n kaya bumabawi s'ya ngayon sa pamamagitan ng pagsasabi na nasa kan'ya 'yung clue ng password at may chance na ibigay n'ya pa sa iba.
"In order to retrieve all your informations, we also need to lure them." Ascen said.
Napatango naman ako sa sinabi n'ya.
Kung 'yun 'yung risk, okay lang, tsaka naumpisahan ko na e. Nakakita na ako ng mga bagay na bago lang sa paningin at isip ko. Mga bagay na hindi ko maatim tignan. Tsaka mga bagay na hindi ko dapat malaman.
Ito ba ang tadhana ko.
"Aight, isantabi muna natin 'yan." Tumayo si Rune. "Ay oo nga pala I forgot to ask you Gwyn if you have any request para sa uulamin natin ngayong lunch." He said.
Nataranta naman ako. "Nako, hindi naman ako mapili." Sabi ko.
Hindi ko rin namamalayang tanghali na. Napalitan din kasi ng takot at kaba 'yung gutom ko kaya hindi ko na napansin 'yung pagtakbo ng oras.
"Sure 'yan ha?" Tumango ako. "Sige maiwan ko muna kayo rito, sasabihan ko lang mga katulong namin na mag prepare na para makapag lunch na tayo." Sabi n'ya tsaka umalis na ng silid.
Isa lang ibig sabihin no'n, kaming dalawa nalang ulit ni Ascen 'yung nandito sa loob. Lagi nalang.
"Okay ka lang?"
Napatingin ako sa kan'ya. "Ah oo." Sagot ko.
"Good." He said. "Ayokong masanay ka sa gano'n pero kung magtatagal 'yung pagpasok natin do'n e mas gugustuhin ko nalang na masanay ka." Sabi n'ya.
Inayos ko 'yung pagkakaupo ko sa sofa. "Okay lang din naman, kaya kong mag take ng risk."
Tumango s'ya. "Tsaka maaasahan mo rin kami ni Rune, we can prioritize you first, or I can." Bahagya ko nang marinig 'yung huling sinabi n'ya. "You only need to trust us." He added.
"I'm already trusting the both of you, in case you still worry about that."
Binaba n'ya 'yung hawak n'yang phone tsaka tumingin sa akin dahilan para mapaiwas ako kasi kanina pa ako nakatingin sa kan'ya.
"Then we will not break your trust." Ascen said.
Hindi ko alam kung bakit ang komportale ng pakiramdam ko kapag kausap ko s'ya. Wala pang isang linggo na kilala ko s'ya pero ang dali ko nalang naibigay tiwala ko sa kanilang dalawa, o sa kan'ya mismo.
"Do you have trouble taking your course? I mean, pwede kang magpatulong sa akin kapag may hindi ka maintindihan." He said. "I can prove to you that I have a lot of knowledge when it comes to that computer stuffs. And I can also show you my grades from first to third year, so you can feel more reassured." His gaze evaded as he spoke.
Bumilis 'yung tibok ng puso ko. Hindi rin ako agad nakakibo.
Pero bakit? Bakit gusto n'ya akong tulungan do'n? Bakit parang gusto n'yang gawin lahat para mapanatag ako sa kan'ya? Gusto kong itanong.
"If that's the only way I can thank you, I'll do it." He said.
My forehead knotted. "Hindi ba dapat ako 'yung nagpapasalamat sayo? For helping me?" I asked.
Binalik n'ya 'yung atensyon n'ya sa phone. "No, I just want to thank you for trusting me. And me helping you is free, walang masama sa pag share ng knowledge especially when it's too much."
![](https://img.wattpad.com/cover/344311844-288-k591399.jpg)
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / ThrillerThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...