(PS. The remaining chapters are all Hide and Seek.)
--
"Sa mga estudyanteng nasa group 1, may mahalaga akong sasabihin sa inyo."
Hindi na kasing tahimik na gaya kanina 'yung loob ng auditorium ngayon. May maririnig kang mga hikbi at bulungan mula sa iba.
"Kapag nahanap n'yo 'yung tatlo na tinawag ko kanina ay palalabasin ko kayo na buhay."
Fvck it. Kahit anong tago namin mukhang mahihirapan kami. Ngayong sinabi n'yang may advantage pag nahanap kaming tatlo. Talagang kami 'yung puntirya. T*ngina.
"Oo nga pala, para magtagumpay kayo, need n'yong buksan lahat ng puzzles na nandito, 50 lang naman kaya madadalian lang kayo."
Lang? Sira na ata talaga ulo ng prof na 'to.
"One more thing, kapag nasolve n'yo 'yung puzzle, bibigyan ko kayo ng ilang beses na pagkakataon para magtago ulit." Sabi ng gago. "Sa mga nasa group two, lalo na sa tatlo, galingan n'yong magtago, wag kayong mag alala, wala kaming access sa CCTVs kaya makakapagtago kayo ng maayos." Sabi nito tsaka nakakalokong tumawa.
"Lahat ng mga nasa group 1 ay maiwan dito. At lahat ng mga nasa group 2..." Naghandang tumayo ang lahat. "Magtago na kayo, we'll give you 30 minutes to hide."
Mabilis kaming kumilos para lumabas ng auditorium. At pagkalabas ay nagsikalat kaming lahat para maghanap ng magadang pagtataguan.
"Good luck." Kian said.
"Same sayo." Sabi ko.
Mabilis akong tumakbo para maghanap ng pagtataguan. Nakakakilos ako ng maayos. Buti nalang at tubig at towel lang laman ng bag ko. Buti nalang din at naisipan kong magsuot ng jogging pants. At buti nalang may sapat akong tulog kagabi.
"Gwyn."
Napatigil ako sa paglalakad. Narito ako sa likod ng school building sa ibang department.
Idiniin ko 'yung earpiece sa tenga ko. "Ascen." Banggit ko sa pangalan n'ya.
"Pumunta ka sa likod ng stock room sa tabi ng canteen bandang dulo ng university. May pinto ro'n pababa, natatabunan ng mga dahon. Pumasok ka ro'n, tsaka mo hilahin 'yung tali na nakasabit sa loob para matabunan din ulit ng damo at lupa 'yung pinto. May lock sa loob kaya ilock mo rin. Siguraduhin mo ring walang makakakita sayo habang papunta ka ro'n, dumaan ka sa likod ng mga buildings."
"Pa'no kayo?" Nababahalang tanong ko.
"We'll try finding too, basta do'n ka, and don't go out. Wag kang mag alala sa amin, kung sakaling mahanap kami, kampante naman kaming masosolve namin 'yung puzzle." Sagot ni Ascen.
"Ascen's right Gwyn, you should think of yourself first, kaya na namin mga sarili namin." Rinig ko namang sabi ni Rune.
"Now go."
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga tsaka dali daling tumakbo sa likuran ng mga building at nag iingat na wag makita ng iba. May mga nakasalubong din ako pero iniiba ko 'yung daan ko para hindi nila ako masundan.
Ilang minuto pa ng pagtakbo at nakalayo na ako sa auditorium. Narito na rin ako sa likuran ng stock room na tinutukoy ni Ascen. At oo. May pinto nga ng basement pababa. Tumingin ako sa paligid para icheck kung may ibang tao. Wala. Dali dali kong tinanggal 'yung mga nakatakip na tuyong dahon at tsaka 'yon binuksan. At agad ding sinara pagkapasok. Tapos inilock sa loob. Nakita ko rin 'yung nakalaylay na tali na hinila ko para matakpan ulit ng mga ligaw na dahon 'yung pinto.
Inilibot ko 'yung paningin ko rito. Sobrang dilim. Kinuha ko 'yung phone ko tsaka binuksan 'yung flashlight. There's nothing in here. Hindi rin gano'n kalawak, para lang s'yang comfort room space. Pero walang kahit ano rito. Kahoy 'yung nagsisilbing ceiling at para hindi gumuho 'yung lupa, tapos lupa rin 'yung sahig at hindi sementado.
Pero bakit mero'n nito dito? At bakit alam nila Ascen?
"Hey Gwyn, you here me?"
Naupo ako tsaka sumandal sa pader na lupa rin.
"Oo Ascen." Sagot ko.
"Nasa loob ka na ba?"
"Oo."
"Good." He said. "Now I want you to stay calm. I'll always check on you." He added.
"Oo, wag kang mag alala." Sabi ko naman.
Pero ako nag aalala sa kanila. Hindi ko alam kung nasaan sila ngayon. Natatakot ako. Gusto kong kasama silang dalawa rito. Gusto kong kasama si Ascen ngayon. Kinakabahan ako, na baka mamaya may biglang makakita kung saan ako nagtatago.
"Okay ka lang ba d'yan Ascen?" Bigla kong tanong.
Pwede kong iset kay Ascen 'yung communication at hindi maririnig ni Rune.
"I'm okay, don't worry." Sagot n'ya. "Sorry Gwyn, nalagay ka pa sa ganitong sitwasyon."
"Stop apologizing already Ascen. Wala akong pinagsisisihan." Sabi ko naman. "Alam kong malalagpasan din natin 'to. Hindi ako takot kapag alam kong nand'yan kayo, o nand'yan ka."
Gusto kong maiyak.
"Don't worry, I'm gonna be safe, we're all gonna be safe. I just want to to stay where you are and be safe, for me. Be safe for me Gwyn."
Parang kumirot 'yung dibdib ko sa tono ng boses n'ya. Gusto ko s'yang makita ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko s'yang kasama, mas safe ako kapag nasa tabi ko s'ya. Nawawala lahat ng takot ko kapag nand'yan s'ya. Pero ngayon, sobrang kinakabahan ako sa mga mangyayari.
Binalik ko sa dati 'yung earpiece.
"Well try solving all the puzzles witout letting others die."
"Pero delikado 'yun Ascen, baka mahirap 'yung mga ginawa nilang puzzles. Baka mamatay kayo."
Gusto ko na talagang maiyak ngayon.
"No, don't worry Gwyn, marami na kaming nasolve ni Ascen na encryptions at mas mahirap pa, kaya wag kang mag alala sa amin. We'll try our best, hindi pa kami pumapalya. And we just need your trust." Rune said.
"I'll check on you all the time, gusto ko d'yan ka lang. At sisiguraduhin din naming hindi kami mapapano. Wag mong papatayin 'yung earpiece okay?"
"Yes Ascen." Nababahalang sagot ko.
"D'yan ka lang Gwyn, pag natapos namin lahat ng puzzles, pupuntahan ka namin d'yan, so be safe."
"Naiintindihan ko Rune." Sabi ko. "Gusto kong kayo rin. Natatakot ako ngayon, sobrang natatakot. Natatakot ako na baka may mangyari sa inyong dalawa." Hindi ko na napigilan 'yung sarili ko. "All the time kayo lang 'yung nag aalala sa akin, hindi ko man lang pinadama sa inyo na nababahala rin ako sa tuwing may ganitong nangyayari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring hindi maganda sa inyong dalawa."
Naiyak na ako.
"Kaya please, wag n'yo akong iiwan."
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Tajemnica / Thriller"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
