CHAPTER 70: THE TRUTH OF THE FOREST CRIME

78 10 0
                                        

Pagod kong dahan dahang ibinaba si Gwyn sa mesang gawa sa kahoy na may nakalatag na foam mula sa mga prof na narito.

Agad naman s'yang nilapitan ng mga medics na kasama rin sa nag rescue tsaka ginamot 'yung mga pasa at sugat n'ya sa iba't ibang parte ng katawan n'ya. Matatagalan pa kasi kung idadala pa namin s'ya sa hospital at baka hindi n'ya na lalo makayanan.

Samantalang 'yung isang natagpuan naming bangkay e ibinyahe na.

Pero,

Walang mapaglagyan 'yung saya ko ngayong nakita kong okay pa s'ya. Buti nalang tamang oras lang 'yung pagdating namin at nadatnan pa namin s'yang may pulso. Kung sakaling hindi ako tumawag kay Xen para itanong kung anong nangyayari rito e baka talagang hindi na namin pa makitang buhay si Gwyn which is kinakatakot ko talagang mangyari.

"Kung titignan e parang hindi galing sa pagkakalaglag 'yung mga pasa n'ya sa mukha." Sabi nu'ng isang naggagamot sa kan'ya.

"Gano'n din 'yung katawan nu'ng bangkay kanina, may mga pasa rin sa mukha."

Pansin ko rin. Malabo ngang galing sa pagkakalaglag 'yung naging sanhi no'n. 'Yung mga sugat sa braso at paa pwede pa. But what's more important right now is Gwyn's okay.

"Ascen..."

Agad akong lumapit kay Gwyn at naupo sa upuang nasa ibaba ng mesa kung saan s'ya nakahiga.

"Hey, what is it?" I asked.

Tapos na s'yang ginamot at pinapalibutan na namin s'ya ngayon.

"Get my phone, and connect it on the speaker that one of the prof have." She said. Bahagya n'ya pang maimulat 'yung mga mata n'ya, nanghihina rin 'yung buying katawan nya't nanlalata.

Napatingin naman ako sa mga prof. Tsaka may isang biglang kumilos sa kanila.

"Here Ascen."

Inabot ko naman kay Rune 'yung phone ni Gwyn.

"Here's the speaker." Sabi naman nu'ng babaeng prof.

Tsaka ko agad binuksan pareho at kinonek 'yung phone ni Gwyn sa bluetooth speaker.

"Go to my recorded audios and play the first."

Agad ko namang sinunod 'yung sinabi n'ya tsaka pinalakasan 'yung volume ng phone n'ya.

"Galing ka sa pinagmulan nung sigaw."

Boses ni Gwyn.

"Ikaw din 'yung may kaaway kanina."

Marahan lang na nakikinig ang lahat na narito.

"Hi-hindi. Wag kang nambibintang."

"That's Karen's voice." Sabi naman nung isang prof. Maybe the other girl that we found.

"Pinagbibintangan saan?"

"Wala, wag ka nang magtanong." Halata nang nagagalit 'yung boses nung kausap ni Gwyn dito.

Nakarinig naman kami ng marahas na tunog mula sa speaker na parang bigla silang naghilahan.

"Pwede ba wag kang epal? Ni hindi nga kita kilala tapos bigla bigla ka nalang nangengealam sa ibang tao? Kapal naman ng mukha mo."

Walang boses kaming narinig pagkatapos sabihin 'yon ng kausap n'ya.

Tsaka kami nakarinig ng pagtakbo, senyales na tumatakbo si Gwyn papunta sa hindi namin alam na lugar. Tsaka rin huminto ng isang minuto. At pagkatapos ay tumakbo ulit. Naririnig na rin namin 'yung paghinga n'ya na mahahalatang napapagod na sa ginagawa n'ya.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon