Mga Kaibigan
Ako’y nakakilala ng mga tao
na itinuring kong kaibigan.
Kaibigan rin kaya turing nila sa’kin?
Baka nga pero ‘pag may kailangan lang.Napansin kong tila sila’y lumalayo
o ako iyong lumalayo sa kanila?
Napapatanong rin sa aking sarili,
“Sila ba’y itinuturing ko talagang kaibigan?”Nawalan ako ng tiwala,
tiwala na makipagkaibigan muli
dahil baka maulit lang
ang nangyari sa nakaraan.Hindi ko na alam, nararapat ba?
Nararapat bang makipagkaibigan muli?
Ako’y nabigyan ng pag-asa
nang makakilala ako ng isang tao.Ako’y nakipagkaibigan sa taong ito.
Ang saya sa pakiramdam
nang makilala’t maging kaibigan siya.
Nagkaroon muli ako ng tiwala.Ang ibang itinuring kong kaibigan
ay kaibigan ko pa rin.
Di man kami masyadong magkasama,
sila’y kaibigan pa rin para sa akin.Ngunit ‘di ako papayag na
kaibigan lang nila ako sa oras,
oras ng pangangailangan nila.
Tama na, masyado na nila akong ginagamit.Ang kaibigan ay kaibigan pa rin,
maging kaaway mo man sila
ay sila at sila pa rin ang mga tao
na minsan naging matalik kong kaibigan.

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.