Salamat

19 0 0
                                    

Salamat

Natatandaan mo ba?
Ang mga dati mong ginagawa?
Madalas ay sa umaga mo isinasagawa.
Hanggang ngayon pa rin ba?

Pagsapit ng umaga, nagpapadala ka ng mensahe.
Oo ng mensahe, pribadong mensahe.
Laman ito ng mga salita
na nakakapagpagaan ng loob ko kahit papaano.

Sa mga salitang iyong sinabi,
binigyan ako nito ng gaan ng loob.
Salamat sa sikap na ginawa mo
para iparamdam na ‘di ako nag-iisa.

Salamat sa pagsabi na mahal mo ako
at sa mga iba mo pang paalala.
Paaalalahan mo rin sana ang sarili mo
at ikaw ay magpakatatag pa.

Hindi tayo lubos na magkakilala
pero salamat sa ginawa mo noon.
Dahil sa mga mensaheng ipinadala mo,
nabigyan ako ng rason upang maniwala.

Maniniwala na ako’y mahalaga.
Maniniwala ring may nagmamahal sa’kin.
Patuloy din na maniniwalang lagi Siyang nariyan.
Salamat sa iyong mga mensaheng nagpapaalala, ate.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon