Pagkakapantay-pantay
Ang mga tao ay nilalang na pantay-pantay,
pantay-pantay na nilikha ng Dakilang Manlilikha.
Bawat nilalang ay may taglay na kakayahan,
may damdamin ring magmahal at gumalang sa iba.Ngayong tayo’y pantay-pantay sa mata Niya,
kailangang pantay ang karapatan ng babae at lalaki.
Hindi tamang sabihin na ‘pag babae, mahina
sapagkat lahat ay may taglay na kahinaan.Kailan ba mawawakasan ang panghuhusga?
Likas na katauhan ay pinagkukumpara.
Laging may mas karapatdapat, lalaki raw dapat.
Pero minsan babae ang laging pinapaburan.Kung ano man sana ang kasarian,
matutong igalang ang kasalungat na kasarian
upang pagtatangi-tangi sa kasarian ay maiwasan
at ang bawat isa’y magtulungang isulong ang pagkakapantay-pantay.Diskriminasyon ay atin nang wakasan.
Pagkakapantay-pantay ng kasarian ay isaalang-alang.
Imulat ang mga mata sa katotohanan
na babae man o lalaki, parehong lupa ang tinatapakan.

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesiaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.