Tamang Daan

3 0 0
                                    

Tamang Daan

Naglalakad, saan papatungo?
Sa paghakbang ng aking mga paa,
nahihirapan dahil tila may bigat na dala.
Hindi makagalaw nang husto.

Hindi ako makapag-isip nang matino,
saan nga ba ako paparoon?
Nalulunong ako sa mga bisyo
kaya ako’y naliligaw ng landas.

Humihingi ako ng tulong
pero bakit walang nakakarinig?
Nais kong malaman ang daan—
tamang daan na tatahakin.

Pagod na ako, pagod na pagod.
Nahihirapan na ako, nanghihina na.
Ako’y nanawagan sa Amang Maykapal
na ako’y tulungan at gabayan.

Kalooban ko’y gumaan
nang manalangin ako sa Kanya.
Panalangin ko’y dininig niya
kaya tamang daan ay alam ko na.

Kasalanan ko’y aking pinagsisihan
at humingi sa Ama ng kapatawaran.
Tamang daan na ay aking tatahakin,
kasama ang Diyos na aking gabay.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon