Hanggang Sa Muli
Hindi na talaga ako mapipigil pa,
paumanhin ngunit ako’y lilisan na.
Hindi ko maipapangakong babalik ako
ngunit sinisiguro kong magkikita pa tayo.
Masakit man sa akin na mamaalam
ngunit kailangan ko itong gawin.
Inaamin kong ayaw kong gawin ito
ngunit para ito sa ikabubuti ng lahat.
Napakahirap ito para sa akin.
Naninikip lalo ang aking dibdib.
Patawad kong ito ang desisyon ko.
Hanggang sa muli aking mga kaibigan.
Sana huwag natin makalimutan ang isa’t isa.
Sana sa muling pagkikita natin
ay gano’n pa rin ang ating samahan,
buo at masaya katulad ng dati.
Naglakad na ako palayo sa lugar.
Nagsilabasan na rin ang aking mga luha.
Nilingon ko sila sa huling pagkakataon
na maaaring pinakahuli na talaga.
Nawa’y mapatawad nila ako
dahil hindi ko sinabi ang dahilan
na may taning na kasi ang buhay ko.
Baka hindi ko kayanin ang operasyon.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
