Pagkalunod
Sa gabing madilim,
iyak niya’y iyong madidinig.
Pinipigilan ang labis na paghikbi
upang ‘di magising ang katabi.
Gabi-gabing umiiyak siya nang patago
dahil ayaw niyang may maisturbo.
Laging lumuluha ang kaniyang mga mata
ngunit walang nakakakita sa kaniya.
Nais niyang wakasan ang buhay niya
ngunit lumalaban pa rin siya.
Nababahala na siya sa kalagayan niya
pero may rason pa ba para siya’y mabahala?
Akala niya makakaya pa niya pero ‘di na.
Labis na kalungkutan ay hindi na niya kaya.
Nalunod na siya sa dagat ng kan’yang luha
kaya buhay niya’y isinuko na niya.
Naiwang luhaan ang kaniyang pamilya,
pati mga kaibigan niya’y nagdadalamhati.
Sila’y labis na naguguluhan sa nangyari,
napapatanong sila, “Bakit niya ‘yon nagawa?”
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesíaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
