Paano Ba?
Paano ba makisalamuha?
Paano makitungo sa iba?
Paano nga ba?
Ako’y nahihirapan na.
Nasanay na walang kausap
sapagkat tila walang kaibigan.
Wala nga ba?
O ako’y hirap lang na magtiwala.
Paano ba magtiwala ulit?
Sino ba ang dapat pagkatiwalaan
kung sa sarili’y tila wala ring tiwala?
Maari bang tulungan ako kung paano?
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PuisiMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
