Likha ng Isip
Awit na sa pandinig ay nakakabighani,
tulang may matatalinghagang salita,
kuwentong puno ng hiwaga.
Ito’y mga akdang dulot ng likhang-isip
kung saan ang buhay ng may-akda’y ipinapasilip.Sa mundo ng imahinasyon,
may nabubuong imahe ng mga tauhan.
Libro ang kanilang naging tahanan.
Sa isipan sila ay buhay na buhay
ngunit sila’y maaari pa ring mamatay.Sinasabi ng karamihan na ilusiyon lang
lahat ng piyesang isinusulat ng may-akda.
Tulang may matatamis na salita
na iniaalay sa taong iniibig.
Ito’y tula na maaaring awit din ng pag-ibig.Puna ng karamihan ay baliw ka lang
na guni-guni mo talaga ang lahat.
Di ka nila maintindihan bilang isang manunulat.
May punto naman ang mga sinasabi nila
ngunit ‘di nila batid ang totoo sa’yong akda.Misteryong nakabalot sa mga piyesa.
Sa pagtulog ay gising ang isipan,
nakikita ang mga nilikhang tauhan.
Umaasang totoo ang panaginip na ito
ngunit ito’y ‘di nga talaga magkakatotoo.Hindi man magkatotoo itong panaginip
at balot ito ng mga ilusiyon,
hindi pa rin maikukubli ang totoo
na ang sinasabi lang na mga imahinasyon
ay maaaring nangyayari na pala sa ngayon.

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PuisiMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.