Tama Ba?
Tama nga ba itong ginagawa?
Ang lumaban pa kahit hirap na?
May panahon pa nga ba
upang ako’y magpatuloy pa?
Ilang beses na ba akong nabigo?
Mas mabuting sumuko na lang ako
o itutuloy pa ring lumaban?
Dahil may pag-asa pang manalo ako.
Pahirap na ata nang pahirap
itong mga pagsubok na hinakaharap.
Wala na nga itong katapusan.
Hindi ko na ata makayanan pa.
Kailan kaya hihinto
itong hamon sa buhay ko?
Ako’y nahihirapan at pagod na.
Tama pa bang magpatuloy pa?
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
