Luha
Ilang beses na ba
na ikaw ay lumuha?
Maraming pagkakataon na,
sa bawat segundo pa nga ata.
Mga luha mula sa mga mata
ay bigla na lang tumutulo
sa ‘di malamang dahilan.
Ano na naman ba kaya?
Luha ba’y papawi sa sakit
na idinulot ninuman?
Mababawasan nga ba ang kirot
kapag ika’y lumuha?
Pagod na ang mga mata,
mugto na nga sila.
Luha mo, ‘di na ba mapipigilan?
Patuloy na lang sa pagtulo.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
