Sa Likod ng Maskara
Sa likod ng maskara,
makikita mo ang mga matang lumuluha.
Masasaksihan mo rin ang mukhang pagod na.
Iyan ang tunay niyang itsura.Nakakaawa, hindi ba?
Pero huwag kang maawa.
Ika’y dapat na humanga
sapagkat lumalaban pa siya.Ang mga ngiti niya’y simbolo ng pag-asa,
pag-asa na ang mga pagsubok ay makakaya niya.
Ang mga tawa niya'y nagpapahiwatig na matatag siya
sapagkat lagi niyang kasama Siya.Sa likod ng maskara,
makikita mo ang tunay na siya,
siya na nagdurusa ngunit lumalaban pa.
Ang maskara niya’y nagsasabing kaya pa niya.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesíaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.