Wala Ng Luha
Masaya ka na ba?
Bakit may luha ka?
Sabi mo wala na
pero bakit kitang-kita pa?
Manhid ka na nga,
hindi mo na dama
ang sakit na idinulot nila.
Ano ba, tama na!
Magpahinga ka na muna,
tumigil ka na sa pagluha.
Ang mga mata mo’y pagod na
at nahihirapan ka nang huminga.
Wala ka ng luha?
Sigurado ka?
Bakit may bahid pa?
Tama na ang pagluha!
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
