Tapos Na
Sigurado ka bang tapos na?
Tapos na ang paghihirap mo?
Hindi pa, may mga pagsubok pa
pero alam kong kaya mo pa.Pagpapakamatay ay ‘di solusyon
upang wakasan ang pagsubok,
pagsubok na ibinigay Niya sa’yo.
May rason pa para lumaban.Hindi dahil tapos na ang una,
wala na itong kasunod.
Matatag ka, alam Niya iyan
kaya ka Niya sinusubok pa.Magpatuloy ka lang sa laban,
huwag kang sumuko
dahil talunan ang siyang sumusuko.
Lumaban ka pa dahil hindi pa tapos.Nagsisimula ka pa lang maglakbay
kasama Siya na lumikha sa lahat.
Wala ka pa sa dulo ng paglalakbay
kaya ‘wag mong sabihing tapos na.

BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.