Maawa sa Sarili

3 0 0
                                    

Maawa sa Sarili

Hindi mo ba nababatid
ang nagyayari sa’yo, kaibigan?
Kailan mo mapapansin na iba ka na,
na hindi na ikaw ang dating kilala ko.

Nakikita mo ba ang iyong sarili sa salamin?
Iyong tunay na ikaw ngayon.
Ikaw na pagod na pagod na
at sinasaktan ang sarili.

Hindi ka ba naaawa sa iyo?
Sa tingin mo ba ay ikaw lang
ang nahihirapan sa mga pinaggagawa mo?
Paano naman kaming tunay na nagmamahal sa’yo?

Matuto ka namang maawa sa sarili mo.
Hindi ba’t may mga pangarap ka pa?
Paano mo iyon maaabot?
Kung ngayon ay sumusuko ka na.

Maawa ka naman sa sarili mo.
Hindi lang ikaw ang nasasaktan sa ginagawa mo.
Tama ba na sugatin mo ang katawan mo?
Nararapat ba na magpakamatay ka na lang?

Kailan ka ba magigising sa katotohanan
na sarili mo ang higit na makakatulong sa’yo?
Hindi ba‘t nangako ka sa sarili mo
na lalaban ka pa at aayusin ang buhay mo?

Pakinggan mo ako kaibigan.
Buhay mo ay mahalaga, ikaw ay mahalaga.
Nagsusumamo ako, maawa ka sa sarili mo
dahil malalampasan mo rin ang pagsubok na ‘to.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon