Kaibigan
Mayroon akong isang kaibigan,
siya ay nakilala sa paaralan.
Isa siyang masayahing tao
kaya naman hinahangaan ko siya.Sa likod ng mga ngiti niya,
nakakubli ang kaniyang mga luha.
Sa likod ng mga tawa niya,
nakakubli ang pighating nadarama niya.Hanga ako sa tibay niyang taglay.
Nagagawang damayan ang iba
kahit na may problema siya.
Isa siyang sandalan ng mga pagod na.Hanggang kailan kaya niya itatago
na siya’y nahihirapan na?
Siya iyong laging nasa tabi ko
sa oras na nagdadalamhati ako.Siya ang kaibigan ko
na ayaw kong mawala sa tabi ko.
Siya ang kaibigan kong tunay
na hindi ako pinapabayaan.Ako bilang kaibigan niya
ay ‘di rin siya pinababayaan.
Ako at siya ay magkaibigan
kaya kami ay nagdadamayan.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.