Manunulat Ba Ako?
Manunulat nga ba ako
o pinipilit ko lang ito?
Pinipilit lang na magsulat
ng mga tula’t istorya.Pagsusulat nga ba’y para sa akin?
Pinipilit ko lang ata
na ang sarili’y humabi ng mga salita.
Nararapat ba ako sa larangang ito?Napapaisip at napapatanong na lang,
“Mahusay nga ba akong manunulat?”
Gusto kong maniwala pero dapat ba?
Bakit nga ba ako nagsusulat?Nagsusulat ako dahil gusto ko ba talaga
o sadyang wala lang akong magawa?
Bakit nga ba napasok ako sa larangang ito?
Ako’y nalilito, bakit nga ba?Hindi naman ako mahusay gaya ng iba,
‘di rin makata tulad nila.
Pero ito ako, nagsusulat ng tula
at mukhang ito na ang huling akda.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.