Kadiliman

4 0 0
                                        

Kadiliman

Nasaan ako?
Anong lugar ‘to?
Bakit wala akong makita?
Nababalot ito ng dilim.

Kailan ako makakawala rito?
Ihakbang man itong mga paa,
‘di alam kung saan tutungo.
Naliligaw, nawawala ako.

Sa kadilaman ng mundong ito,
‘di ko mabatid kung nasaan ako.
Ah, nasa maling landas ba ako?
Paano ako makakawala rito?

Tulong! Tulungan n’yo ako!
Ayaw ko na rito.
Maaari bang tawag ko’y dinggin
na ilayo ako sa lugar na ‘to?

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon