Tatsulok
Naaalala mo ba ang awit na ‘Tatsulok’?
Kailan kaya mananatiling gano’n ang kalagayan?
Mayayaman pa rin ba sa itaas?
Mahihirap naman ang sa ibaba?Kailan magiging pantay ang trato?
Lagi na lang bang mahirap ang talo?
At siyang mayayaman ang laging panalo
kahit na sila ang tunay na may sala?Nasaan na ang pagkakapantay na sinasabi nila?
Laging mga dukha ba ang maghihirap
at ‘di mabibigyan ng hustisya?
Mayayaman na lang ba lagi ang giginhawa?Tama nga, hangga’t may tatsulok
ay hindi matatapos ang gulo.
Sapagkat ang mga nasa itaas
ang siyang laging nasusunod.Wala na, wala na atang pag-asa,
pag-asa na matatapos pa ang gulo.
Kawawa na naman ang mga walang sala
samantalang nagsasaya ang tunay na may sala.Tatsulok, tatsulok, o tatsulok,
kailan bababa ang mga nasa tuktok?
Nang ang nasa ibaba naman ang umangat.
Kailan? Kapag ba huli na ang lahat?
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.