Kulang
Naranasan mo na bang pagkaitan?
Maramdamang wala kang kakayahan?
May talento ka namang taglay,
Di lang nila makita ang iyong husay.May mga pangyayaring ‘di inaasahan,
Di alam kung ano ang patutunguhan.
Iniisip mong talo ka na,
Pakiramdam mo’y ‘di mo na kaya.Ramdam mong may iba sa pagkatao mo.
Para bang may bumabalot sa’yo,
Kasinungalingan ba ang mga ito?
Hanggang kailan ba magtatagal ito?May mga bagay na mahirap tanggapin,
Ito na nga ba ang hinahanap natin?
Sino ba ang paniniwalaan
Kung nalilito sa katotohanan.Nadadama ang sakit
Na dulot ng galit.
Magagamot pa ba ito?
Sa lalim ng tama nito sa puso.Galit na ba talaga ang dahilan?
Ano ba ang tunay na pinag-ugatan?
Di madaling malaman kung ano,
Sino-sino pa ba ang kadamay rito?Kapag nahanap na ba ang pinagmulan,
Darating na ba ang nais makamtam?
Ang ligaya na matagal ng inaasam,
Ngayon ay mararamdaman.Sa dami ng naranasang hirap
Dahil sa mga pagsubok na hinarap.
Nabuo mo na ngayon ang sarili mo,
Kumpleto na ang buhay mo.Kung pakiramdam mo’y may kulang,
Huwag kang lubos na panghinaan.
Ito ay madadagdagan din
At bubuoin ang buhay natin.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.