Aking Ama

3 0 0
                                    

Aking Ama

Mula bata, ginagabayan ako.
Siya lagi ang nakakasama ko,
ipinapasyal niya ako kung saan-saan,
mapasaya lang ang musmos na ako.

Siya ang aking ama,
haligi ng tahanan kung ituring.
Sakripisyo niya’y walang kapantay
at ‘di matutumbasan ng kahit ano.

Lubos niya kaming minamahal.
Di man niya masambit na mahal niya kami,
kita naman ito sa mga kilos niya.
Siya’y aking lubos na hinahangaan.

Ang aking ama ay tumatanda na
pero nagtratrabaho pa rin
para sa gastusin ko sa pag-aaral.
Sobra-sobra na ang pagod niya.

Ang aking ama ang bayani ng buhay ko,
laging nandiyan para damayan ako
sa oras na kailangan ko ng karamay.
Dahil sa kanya, nakakawala ako sa kalungkutan.

Si ama ay nagsisilbi na ring ina ko
sapagkat kami’y nilisan na ni ina,
siya’y namatay dahil sa aksidente
noong tatlong gulang pa lamang ako.

Saludong-saludo ako sa aking ama
dahil sa lakas at tibay niyang taglay.
Siya’y aking lubusang nirerespeto.
Ama, ika’y aking ipinagmamalaki!

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon