Imahinasyon
May mga naisusulat tayo
Na dulot ng imahinasyon.
Mga kuwento, tula, at iba pa
Na nagpapahiwatig din sa ‘ting pagkatao.Imahinasyong ikaw lang ang nakabubuo
Kung saan marami kang madadama.
Mga damdaming pwede ring damhin ng iba
Ngunit hindi mararanasan ng ilan.May pag-aalinlangan at pagkalito.
Susubukan ba ang isang bagay?
Naiintindihan ba ang mga pangyayari
At ‘di na kailangang linawin pa?Masaya sa mga bagay na nakatutuwa
Ngunit napapaisip kung ito’y tatagal ba?
Umaasang ito ay magpapatuloy pa
At wala sanang hahadlang.Nakagagawa ng kuwento na dulot ng likhang-isip,
Kuwentong may damdamin sa bawat tauhan
Na siyang nararamdaman pala ng sumulat.
Kuwentong hango sa totoong buhay.Sa iyong haraya ay ikaw ang bida.
Bidang laging hinahangaan
Ngunit kinaiinisan ng kalaban.
Bida na sa imahinasyon lang nabubuhay.Bawat tula ay may kahulugan
At may nakatagong istorya sa likod nito.
Napapatanong ang iba kung para kanino ba ito?
Ang tanging sumulat lang ang nakakaalam.Maraming nagsasabi na baliw ka lang
At guniguni mo lang talaga ang lahat.
Di nila alam na ang nasabing imahinasyon
Ay nangyayari na pala sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoetryMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.