Si Ate
Si ate kong maganda,
ngiti niya’y nakakaakit
kaya ang mga lalaki
ay nag-uunahan para ligawan siya.Ngunit laking pagtataka ko
na wala siyang sinagot sa kanila.
Gusto niya bang magtandang dalaga?
Sa anong kadahilanan?Naisipan kong tanungin siya.
Ako’y binigyan lang ng ngiti
at sinabing malalaman ko rin daw.
Ako’y mas lalong magtaka sa tinuran niya.Nagdaan ang mga taon
at ngayon alam ko na ang dahilan.
Si ate pala ay magmamadre
upang Diyos ay mas lalo niyang pagsilbihan.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PuisiMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.