Pighati
Nasasaktan ako,
Di n’yo ba napapansin?
Lumuluha ang mga mata,
Hindi n’yo ba nakikita?
Nawawala ako,
Di n’yo ba ako hahanapin?
Naliligaw na ako,
Di n’yo ba ako tutulungan?
Ako ba iyong laging mali
At laging masama ang gawi?
Ano bang ginawa ko?
Mahal n’yo ba talaga ako?
Iniinda ang sakit
Kahit na paulit-ulit.
Pinipigilan din ang galit
Kahit gusto ko nang manakit.
Pinipilit itago ang nadarama
Kahit sobrang sakit na.
Maipakita lang na matatag ako
At ipadamang kaya ko.
Sa bawat araw at gabi
Ay laging humihikbi.
Ang labi ay ngumingiti
Pero ang puso’y bali.
Ang problema’y sinasarili
Kahit hindi madali,
Maipakita lang na kaya pa
At hindi na kailangan ang iba.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesíaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
