Sarili’y Nahanap Muli
Sa isang madilim na kwarto,
may tinig na naririnig—
iyak at hikbi na puno ng pighati
at boses na nagmamakaawa.
Luha’y sunod-sunod na nagsipatak
at ‘di matigil ang agos sa aking pisngi.
Sarili ko’y aking nakita na naman
sa isang sulok ng silid na madilim.
Sarili’y nakakaramdam ng lungkot
na tila walang katumbas na saya.
Aking hinahanap-hanap ang sarili
at muli ko siyang natagpuang nag-iisa.
BINABASA MO ANG
Tula sa Papel
PoesiaMga tulang may magkakaibang tema at paksa na likha ng malikot na isipan, sa papel ito'y nakasulat na. Ang buhay ay puno ng pagsubok. Hayaan na ang realidad at pantasya ay magsama sa mga piyesang hinabi ng may-akda.
