Puso't Isip

1 0 0
                                    

Puso’t Isip

Puso’t isip ay naglalaban,
‘di alam ang papanigan.
Diringin ba ang puso
o ang isinisigaw ng isip ko?

Nahihirapang pumili,
ang nararamdaman ba
o ang naiisip ng isipan ko?
Ako’y lito na talaga.

Doon na lang ako sa isa
kung saan ako’y sasaya
at mararamdamang mas malaya.
Puso ang susundin ngunit isip ay dadalhin.

Tula sa PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon